Karen pasahero ng de-kuryenteng jeep

Namataan kamakailan lang si ABS-CBN anchor Karen Davila sakay ng isang ‘di pang-karaniwang jeep. Ang naturang sasakyan ay iba sa nakasa­nayan dahil hindi gasolina kundi kuryente ang nagpa­patakbo dito.

Itong de-kuryenteng jeep o “e-jeep” ay isa lamang sa mga imbensyong Pinoy na tatalakayin ni Karen bukas ng gabi (Jan 20) sa The Correspondents.

Sa panahon ng krisis, kanya-kanyang paraan ang mga Pilipino upang makamura at makatipid. Isa na dito ang pag-iimbento ng mga alternatibong sistema at gamit na makakatulong sa sambayanan.

Ibibida rin ni Karen ang mga mala-igloong istruk­tura sa Surigao na gawa sa buhangin, semento, at drum na maaaring gayahin sa paggawa ng paaralan. Bukod sa mura ang materyales, presko din ito para sa mga mag-aaral.

Si Karen ay pinarangalan kamakailan lang bilang isa sa 2008 Ten Outstanding Young Men ng Junior Chamber International Philippines dahil sa kan­yang mga makabuluhang dokyumentaryo at kontri­bus­yon sa larangan ng pamamahayag.

Show comments