“I am very flattered by the trust of my peers in Lakas in considering me to be its standard-bearer in the 2010 Presidential elections.
“Nakatataba po ng puso na nakikita pala ng ating mga kasamahan sa partido ang bunga ng ating paglilingkod sa bayan sa loob ng halos 15 taon – ang pagiging Bise Gobernador at Gobernador ng Cavite; ang ating kampanya laban sa pamimirata sa VRB; at ang ating performance dito sa Senado.
“Ganunpaman, naniniwala ako na ang pagiging Presidente ng bansa ay hindi inaambisyon, ito ay ibinibigay ng Diyos.
“Becoming President is in one’s destiny and beyond any individual’s control.
“I am not rushing into this. It is still too early to even consider this possibility, but, being a party soldier, I will abide by the party’s ultimate decision. Bata pa naman tayo, at eligible pa naman tayo for re-election.”
‘Yan ang kabuang reaction ni Senator Bong Revilla sa pahayag ng Lakas Christian Muslim Democrats (Lakas CMD) executive director na si Raymundo Roquero kamakalawa na puwede siyang maging standard bearer sa May 2010 presidential elections.
Hmmm, nangangamoy pulitika na talaga samantalang mahigit isang taon pa bago ang eleksiyon.
Bukod kay Sen. Bong, mas maraming artista ang tatakbo ngayon. Ultimo si Sunshine Dizon ay nagpahayag na ng intensiyon na pasukin ang pulitika.
* * *
Nakakaaliw naman si BB Gandanghari (Rustom Padilla) sa Startalk kahapon. Ayaw na talaga niyang patawag ng Rustom. Pero in fairness, mukhang nagbunga ang kanyang pag-aaral ng modeling sa New York dahil ang ganda niyang lumakad. Professional model ang dating.
* * *
Pinagpi-pray ng mga nakakapanood kay Charice na sana, ten years from now, buo pa ang boses ng batang singer at hindi pa patid ang kanyang ugat sa lalamunan.
Nagagalingan naman talaga sila sa bagets na singer na in fairness ay talaga namang pambihira ang na-achieve pero naman, parang sa ngayon kakayanin niyang bumirit ng pagkataas-taas. Pero parang hindi magtatagal ‘yun dahil napupuwersa ang boses niya eh bagets pa siya. (SVA)