Gandang-ganda ako kay BB Padilla nang makita ko ang litrato niya sa digital camera ni Gorgy Rula.
Sa totoo lang, kamukha ni BB si Carmina Villaroel, ang ex-wife ni Rustom Padilla. Huwag n’yo nang itanong kung nasaan na si Rustom dahil ang sey nga ni BB, pinatay na niya ang dating aktor!
Ginawang pahulaan ang ibig sabihin ng BB. May nagsabi na Babaeng-babae, Baklang-bakla at binibini ang meaning ng BB.
Sumpa man, hindi baklita ang tingin ko kay BB. Girl na girl as in complete woman ang tingin ko sa kanya. Nakumbinsi na nga ako na babae si BB na na-trap sa katawan ng lalaki.
Bilib nga ako dahil hindi siya nahiya na ipakilala sa buong mundo ang kanyang pagkatao. Naisip siguro ni BB na ayaw nito na magsisi sa bandang huli dahil pinigilan niya ang sarili na ilantad sa publiko ang tunay na katauhan.
Ayaw ni BB na matulad sa ibang lalaki na nagpupumiglas ang pagiging babae pero pinaninindigan ang pagpapanggap. Sila ang mga mhin na nagtatago sa dilim at lihim na naiinggit kay BB dahil naging matapang ito.
Guest kahapon si BB sa Startalk. Pumayag siya na umapir sa aming show itsurang may jetlag kaya nagpapasalamat kay BB ang staff.
* * *
At dahil babae na nga si BB sa isip, salita at gawa, hindi na siya tatanggap ng gay roles. Lalong hindi na siya gaganap na lalaki sa TV at pelikula.
Paninindigan na ni BB ang pagiging babae. Para que’t nagladlad siya kung hindi niya susundin ang itinitibok ng kanyang puso.
Sa ganda ni BB, mission impossible na walang lalaki na magkakagusto sa kanya. Pero kung ako ang tatanungin, foreigner ang dapat maging boyfriend o lifetime partner ni BB para hindi na maungkat ang kanyang nakaraan.
* * *
Kinukulit ako ng mga fans ni Lorna Tolentino. Kailan daw nila uli mapapanood sa TV si LT? Ano raw ang mga projects niya sa ABS-CBN?
Huwag kayong mainip dahil siguradong may show si LT sa Kapamilya network. May offer sa kanya na maging bida ng isang episode ng Maalaala Mo Kaya pero binabasa pa ni LT ang script.
Magkakaroon din si LT ng regular primetime show. Yun nga lang, hindi na sila magkakasama ni Christopher De Leon dahil ibang project ang ibibigay sa kanya.
* * *
Close friends ang invited sa birthday party ni Sandy Andolong noong Biyernes ng gabi.
Ayaw sana ni Sandy na magkaroon ng party pero pinilit siya ng isang family friend na hindi ko na sasabihin ang pangalan.
Masayang-masaya si Sandy dahil dumating ang mga tao na malapit sa kanyang puso. Na-miss lang niya ang anak na si Rafael na nagtatrabaho na sa New Zealand.
As usual, ako ang pinakamaagang dumating sa party ni Sandy. Naunahan ko pa nga siya. Sumunod ang mag-asawang Laurice Guillen at Johnny Delgado.
Ang ganda-ganda ni Sandy. Para siyang si Benjamin Button. Habang nagkakaedad eh lalong bumabata ang kanyang itsura. Iba talaga kapag happy and contented ang isang babae. Nakikita sa kanyang mukha ang kaligayahan na nararamdaman. Parang ako. Parang ako raw o!
* * *
Inoperahan na si Nadia Montenegro sa kanyang kaliwang mata kaya nakakakita na ito. Ang karanasan ni Nadia ang dahilan kaya naisip niya na kalimutan na ang mga negatibong isyu at patawarin ang kanyang mga kaaway.
Mukhang magkakabati na sina Nadia at Gretchen Barretto dahil sa nangyari. Willing si Greta na makipagbati noon kay Nadia pero ito ang tumanggi porke hindi pa siya ready.
Eh dumaan nga sa pagsubok si Nadia at ang pagsubok na ito ang nag-udyok para magpatawad.