Angel nagso-solo ng problema

 Nagkakwentuhan kami ni Ela Colmenares (kapatid ni Angel Locsin) at tinanong ko siya tungkol sa napapabalitang may tampuhan ang sis niyang aktres at ang bf nitong si Luis Manzano.

May mga balita pa ngang lumabas (hindi sa aming tabloid) na nagsasabing hiwalay na sila. Gaano ito katotoo? Tanong ko kay Ela.

“Wala namang sinasabi sa aking problema si Angel tungkol kay Lucky. Siya kasi ang tipo ng babae na sinasarili ang problema at never na nagko-confide sa akin. Masaya naman siya kaya nang tanungin ko nga kung bakit siya umiyak sa ASAP habang kumakanta sila ni Piolo Pascual ang sagot niya, dahil masaya siya sa nangyayari ngayon sa kanyang buhay,” anang Ela.

Hindi kami naniniwala na hiwalay na sila ni Luis dahil wala namang dahilan para sila’y mag-away o kahit magkatampuhan lang. Compatible silang dalawa sa maraming bagay.

* * *

Gaya nang inaasahang rumatsada sa takilya ang Love Me Again at hula nga ni Ramon Byron na nabasa namin sa website ni Angel ay kikita pa hanggang P100 million ang pelikula o mahigit pa. Ganado ngayong magtrabaho ang magandang aktres dahil may acting award na siya, super blockbuster pa ang pelikula. Naghahanda na sina Angel at Piolo dahil ipalalabas din yata ang pelikula sa iba’t ibang panig ng Europe at siyempre, dadalo ang dalawa dun.

* * *

Gandang-ganda kami kay Micaela, anak ni Mikey Arroyo nang magkita kami with Dato at First Gentleman sa Hong Kong kamakailan. Puwedeng mag-artista ang bagets o endorser ng isang produkto.

 Samantala, naka-bonding ng SUGAR members sa HongKong at sa isang presscon si FG at nasabi nito ang kanyang mga proyekto na bukod sa Kidney Foundation ay magpapa-aral ng mga mahihirap pero deserving na estudyante kung saan meron nang 62 scholars ang kanyang foundation para sa programang Bagong Doktor Para sa Bayan.

Hindi na siya naaapektuhan ng mga birada sa kanya.

“I can easily sue them but I have learned to forgive. Ipinapasa-Diyos ko na lang ito,” anang FG Mike Arroyo.

* * *

Kakaibang games ang ipapakilala na tanging SiS lang ang may kaya.

Ito ay ang bakbakang back-to-back panalong swak na swak bukas. Magkakaroon ng palakasan, pa­­­galingan, padiskartehan, at pares-pares magla­la­ban-laban.

Guests sina Aira Bermudez, Patani ng Survivor Philippines. At iba pa na magpapasaya sa inyong umaga sa SiS.

Show comments