Ito siguro ang magiging perception ng mga manonood ng telebisyon kapag pumasok na si Jericho Rosales sa I Luv Betty La Fea dahil magiging ka- love triangle siya nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.
“Pero hindi naman kaiinisan ng mga manonood ang role ko. Aksidente lang ang magiging pagpasok ko sa buhay nila. Darating ako sa buhay ni Betty sa panahong kailangan niya ako. I’m sure hindi rin magugulat o magagalit ang mga fans nilang dalawa,” pagtatanggol ng magaling na aktor sa kanyang character na sinabi niyang pag-aaralan niyang mabuti.
Ang character ni Echo ay hindi lamang basta inilagay ng mga writers to create intrigue or conflict sa istorya. Kasama ito sa Mexican at Columbian versions ng Betty La Fea pero, bibigyan lamang ng lalim at importansya sa local version.
Tanggap na rin ni Echo na baka pagsimulan ng isang romansa ang pagtatambal nila ni Bea since pareho silang walang sabit at kabi-break lamang sa kanilang mga dating relasyon at palagi rin namang nakakatuluyan ng aktor ang kanyang mga nagiging kapareha pero sinabi niyang mas mature na siya ngayon at mas malalim na ang pananaw sa mga ganitong relasyon.
“Mga kaibigan ko lang sila. At saka nagpapagaling pa ako sa aking broken heart, and I’m almost there,” paliwanag niya tungkol sa naging paghihiwalay nila ni Heart Evangelista na balitang matatapatan ng bagong oras ng I Luv Betty La Fea ang programa nito sa kabilang istasyon.
“Kung totoo man, wala na sa amin ang desisyon, desisyon na ito ng management,” katwiran pa ni Echo.
Nangatwiran din siya sa napapabalitang panliligaw niya kay Karylle.
Sabi niya, “Wala naman sigurong masama kung totoo man ito bagama’t gusto ko pa siyang makilala ng husto. Sa ngayon, I’m still learning between making friends and dating. Torpe ako at lousy pagdating sa panliligaw.”
Echo’s character will get to kiss Betty, not just once pero maraming beses. At kung ano ang magiging reaksyon ng character dito ni John Lloyd Cruz ay siya pa ring subject ng maraming brainstorming ng mga manunulat ng serye.
May posibilidad bang magkasapawan sila ni Lloydie?
“Wala naman sigurong sapawang mangyayari. Bibigyan naman kami ng sari-sarili naming moments and highlights. Magaling na aktor si John Lloyd at katulad ni Piolo Pascual, matagal ko nang pangarap na makasama silang magtrabaho,” pagtatapos niya.
Mapapanood si Echo simula sa susunod na linggo sa I Luv Betty La Fea.
* * *
Hindi ko alam na painter din pala ang magaling na TV director na si Louie Ignacio. Magkakaro’n ito ng isang one-man exhibit sa February 16 sa Art Asia ng SM Megamall.
Mga 40 acrylic paintings niya will be on display at mga isang taon din niya itong ipininta. Go kayo para makita ang isa pa sa mga talento ni direk Louie.
* * *
Excited na rin ang mga fans nina Richard Gutierrez at KC Concepcion na mapanood ang ikalawang pagtatambal ng dalawa sa GMA Films. Siyempre, gusto nilang makita kung mas maganda ang When I Met U kesa sa una nilang ginawa sa Star Cinema na For the First Time na nag-shooting pa sila sa Greece. Siyempre, mas pressured sila ngayon, lalo na ang direktor nilang si Joel Lamangan dahil sa gagawing pagkukumpara sa dalawang movies ng mga manonood. Ang sinisiguro nila, lalabas ang mga tao ng sinehan ng nakangiti.
Ang advantage ng When I Met U, mas komportable na silang dalawa ngayon, in fact may terms of endearment na sila, honey at babe na ang tawagan nila ngayon.
Personally, tumaas na rin ang level ng friendship nila ngayon at kung mauuwi ito sa isang romansa ay hindi nila masabi. Panahon lamang ang magsasabi nito.
* * *
Uulitin pala ni Gary V. ang kanyang record breaking na Gary V Live at 25 concert na ginanap sa Araneta Coliseum sa Pebrero 20, 8:00 NG.
Marami sa mga artistang nanood ng concert tulad nina Sen. Kiko and Sharon Pangilinan, Sam Milby, KC Concepcion, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Iza Calzado, Christian Bautista, Toni Gonzaga, Paul Soriano, Donita Rose & Erik Villarama, Pinky Webb, Rica Peralejo, Tim Yap, Tessa Prieto Valdes, Ely Buendia at marami pang iba ay bumili ng tiket na ang benepisyaryo ay ang Shining Light Foundation na mayroong pinapaaral na 36 scholars at tumutulong sa mga diabetics at iba pang may sakit, simbahan at mga NGOs.
* * *
Bibigyang pansin ng ASAP ang ‘black’ music ngayong Linggo. Aawitin nina Yeng Constantino, Rachelle Ann Go at Sarah Geronimo ang 90’s black girl group music na lalagyan nila ng kanilang personal touch. Isang sizzling number ang hatid ng Coverboys at itatampok ang isang bonggang Stevie Wonder music presentation.
Magsi-celebrate naman sina Jay-R Siaboc at Toni Gonzaga, ng kanilang kaarawan.