Fans ni Maricel pumalag kay Marian

Seen : Ang over-flowing  crowd sa red carpet premiere ng Love Me Again noong Miyerkules ng gabi sa SM Megamall Cinema. Nagpasya ang management ng SM Cinema na ipahinto ang pagpapapasok ng mga tao dahil punumpuno ng manonood ang sinehan.

Scene : Hindi gaanong na-explore sa Love Me Again ang Darwin, Australia. Ang kangaroo na nakita ni Angel ang nag-iisang ebidensya na nag-shooting sila ni Piolo Pascual sa Australia. Puwedeng dayain sa Pilipinas ang eksena.

Seen :  May balak si Edu Manzano na kumandidatong senador sa 2010.

Scene : Ayaw ng mga fans ni Maricel Soriano na ikumpara siya kay Marian Rivera dahil mag­kaibang-magkaiba ang kanilang mga ugali. Mahihirapan si Marian na ma-duplicate ang achieve­ments ni Maricel.

Seen : Maluwag sa loob na tinanggap ni Judy Ann Santos at ng Team Ploning ang pagkaka-itsa pwera ng Ploning sa Best Foreign Language Film category ng Annual Academy Awards. It’s not the end of the world.

Scene : Ang pamisa kahapon sa St. John The Baptist Church ng Oasis of Love Charismatic Community para sa yumaong ina ni ex-President Joseph Estrada. Pinasalamatan ni Erap ang lahat ng mga nakiramay sa kanyang pamilya, sina President Cory Aquino at Gng. Gloria Macapagal-Arroyo. Gng. at hindi Pangulo ang address ni Erap kay Gloria. 

Seen : Ang intensyon ni Bernardo Bernardo na bumalik sa Pilipinas at i-resume ang kanyang acting career. Miss na miss na ni Bernardo ang Pilipinas.

Scene : Nagsisipagtabaan ang Sexbomb dancers. Kulang ang madalas na pagsasayaw upang pumayat sila. Kailangan na nilang pumunta sa pinakamalapit na gym.

SEEN : Ang paglilinaw ni Bong Osorio ng ABS-CBN Corporate Communication: “It’s not true that Karen Davila and DJ Sta. Ana have separated.”

Show comments