Karen Davila hiwalay na rin sa asawa?

Seen: Ang pagdagsa ng blood donors para kay Pauleen Luna na naka-confine sa ospital dahil sa dengue. Marami ang gustong mag-donate kay Pauleen ng dugo.

Scene: Nagpagupit ng buhok si Jolina Magdangal. Naging ugali ng heart-broken girls ang magpaigsi ng buhok.

Seen: Ang burol ni Doña Mary Ejercito sa St. John The Baptist Church sa San Juan. Dinamdam nang husto ni ex-President Joseph Estrada ang pagkamatay ng kanyang ina. Nagkulong siya sa kuwarto.

Scene: Hindi pambida sa pelikula si Katrina Halili. Flop sa takilya ang kanyang launching movie (Gigil) at hindi rin kumita ang One Night Only. Si Katrina ang ibinenta nang husto sa One Night Only.

Seen: Unseen sa eksena ang American Idol finalist na si Ramielle Malubay. Wrong timing ang pag-uwi niya sa Pilipinas noong December. Hindi nag-create ng ingay ang concert nila ni Ogie Alcasid dahil busy ang mga tao sa Christmas shopping.

Scene: Babalik si Gabby Concepcion sa Pilipinas sa Linggo. Hindi siya puwedeng mamalagi sa Amerika dahil hindi pa tapos ang kontrata niya sa ABS-CBN. May Valentine show din si Gabby sa Crowne Plaza Hotel. Si Annabelle Rama ang producer ng show.

Scene:  Ang balita na hiwalay na si Karen Davila sa kanyang asawa. Bukas ang pahina ng Seen Scene para sa kasagutan ng sikat na broadcast journalist.

Show comments