Sharon payag nang gumawa ng pelikula kasama si Gabby

Matapos ang matagumpay na birthday concert ni Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum, sa reunion movie naman nila ni Gabby Concepcion nakatuon ang marami, lalo na ang mga fans nilang dalawa.

“Ayokong magsalita ng patapos. Ako, gustung-gusto ko. I’m a big fan of the team-up. I’m sure siya rin. It’s a team-up na mahal na mahal ng buong bansa. I have no reason not to do a movie with Gabby except, ang pinaka-importante, ayokong magulo kami ng family ko. Nai-imagine ko na pati pamilya niya paglalaruan, ’wag naman. I can’t put my husband and family through that. Maybe someday. Mas priority ko ang peace of mind,” ani Mega.

I say amen to that. Baka nga naman tama ang kutob niya, masisisi ba natin siya kung bigyan niya ng prayoridad ang pamilya nila?

Kung sabagay ’di man matuloy ito soon, merong movie with Richard Gomez si Mega, and even with Gov. Vilma Santos.

* * *

Nagulat talaga ako sa sorpresang pagdating ni Billy Crawford noong taping ng reunion ng That’s Entertainment sa Walang Tulugan. Akala ng marami alam ko na darating siya dahil daw sinasabi sa teaser ng GMA 7.

Nakakahiya mang sabihin, hindi ko napanood ’yon. At napanood ko man, aakalain ko na teaser lamang, pang-come on. Ilang ulit na ring tinangka ni Billy, at maging ng kanyang ina na ayusin ang aming problema pero, talagang hindi ako nakahanda. Masyado akong nasaktan para makalimutan ’yon ng gano’n na lamang. Ayoko na lang magkuwento at this point dahil nagkaayos na kami, nagpakumbaba na siya at sino naman ako para hiyain siya at tanggihan ang peace offering?

Talagang may nakatitiis na anak sa kanyang magulang pero walang nakatitiis na magulang sa anak. Maliwanag na indikasyon yung naganap sa amin ni Billy.

At sana hindi na kami muling magkaproblema. Tulad niya, gusto ko rin ng isang bagong taon na matahimik at masaya.

* * *

Kung kailan sila sikat na at saka pa nagkaroon ng problema ang dating Angelos na kinabibilangan ng That’s alumnus na si Jon Joven. Nawala na ang isa sa kanila at kasama ng pagkawala nito ang pagbabago ng pangalan ng grupo na magsi­simulang makilala bilang Primos. Hindi naman nabawasan o nagbago ang galing ng grupo kahit tatatlo na lamang sila pero, still, nanghihinayang ako sa pagkawala ng isa sa kanila.

* * *

Parang matagal ko na ring ’di napapanood ang grupong Sugarpop. Nakikita ko na lamang na nag-iisa si Julie Ann na bagay palang kapareha ni PJ Valerio. Napanood ko sila nung Linggo sa SOP.

Humiwalay na ba si Julie Ann sa grupo? But then, kaya pang tumayo ng apat na natitirang miyembro. Masyado silang magaling para mawala ng ganun lang. Ang dami nang naghahanap sa kanila. Dapat siguro magsalita na si Danny Tan na alam kong nagma-manage sa Sugarpop.

Show comments