Polo Ravales sinisingil ng inutangang 'girlfriend'

Seen : Ang taping ng I Luv Betty La Fea sa Belo Medical Clinic sa Morato  QC noong Lunes. May special participation si Dra. Vicki Belo sa Betty LaFea. Siya ang magpapaganda sa karakter ni Bea Alonzo.

Scene : Ang paniningil kay Polo Ravales ng ex-Bingo girl na si Krissa Mae. Nagkamali si Polo ng inutangan.

Seen : Ang mahabang pila ng manonood sa UP Film Center noong Lunes. Puno ng audience na pinagtanghalan ng Butas.

Scene :  Ang pagtanggi ni Billy Crawford na ikuwento sa The Buzz noong Linggo ang pagpunta niya sa studio ng Walang Tulugan. Ayaw i-pre-empt ni Billy ang show ni German Moreno dahil sa Sabado pa ipalalabas ang guesting niya sa Walang Tulugan.

Seen :  Ang Mojo Box-Office International result ng mga pelikula na ipinalabas sa Pilipinas noong December 17 hanggang December 21, 2008.

Show comments