Magkakaroon ng post-Valentine concert ang asawa ni Senator Chiz Escudero na si Christine. Actually, dati nang singer si Mrs. Escudero at may music school siya na pinagkakaabalahan bukod sa pag-aalaga ng anak nilang kambal ng senador. Active din ito sa Repertory Philippines.
Gaganapin ang show sa February 20. Ayaw daw makipagsabayan ni Mrs. Escudero sa Valentine concerts.
* * *
Mag-react kaya si John Estrada pag nalaman niyang kasama raw ang pangalan ng girlfriend niyang si Priscilla Mierreles sa mga maraming celebrity na binabanggit na nakarelasyon ni Hayden Kho?
Bukod sa dating beauty queen, dawit din daw ang young star na sobrang wholesome ang image na. Medyo nagulantang ako sa nabasa kong pangalan sa text ng young actress. Pero hindi naman daw nagka-affair ang dalawa at hanggang fling lang ang nangyari. Ganunpaman, muntik pa rin akong mahulog sa upuan dahil malayo sa kamalayan ko na puwede siyang makipag-flirt kay Dr. Hayden.
Siguradong marami ring masa-shock pag nalaman nila ang pangalan ng young star na ito. Wait na lang natin.
* * *
Ayaw pang i-confirm ni Sarah Geronimo kung ano ang bagong show niya sa ABS-CBN. Basta ang alam lang daw niya meron siyang gagawin one season show sa Kapamilya Network.
Ngayon ay tuloy ang shooting nila ni John Lloyd Cruz ng sequel ng A Very Special Love na pinaka-malaking pelikula sa 2008 - ang You You Changed My Life. Ang A Very Special Love ang no. 1 local film na ipinalabas last year kaya sure na si Sarah ng box-office queen title.