Mga actress na may karelasyon lumandi rin sa controversial celeb

Tiyak na magugulo ang showbiz ’pag ginusto ng isang actress na banggitin ang mga pangalan ng artista at celebrity na naka-fling ng isang very controversial celebrity.

Nagulat ang pinag-kuwentuhan ng actress sa mga pinangalanan nito lalo na’t ang iba sa kanila’y may mga karelasyon ngayon.

Ang nakakaloka, bukod sa kayang magsabay-sabay ng babae ang nasabing controversial celebrity, wala siyang pakialam kung taken ang mga ‘nilalandi.’ Sa dalawang beauty queens (isang foreigner at isang local) kami nagulat at may young actress pa palang involved sa isyu na ikina-shock namin ng husto.

* * *

Suot ni Rachelle Ann Go sa presscon ng two-night Falling in Love concert niya sa Music Museum sa Enero 30 at 31, ang mamahaling necklace na regalo sa kanya ni Gab Valenciano. Galante ang anak nina Gary at Angeli Valenciano dahil last Christmas, Macbook naman ang gift niya sa singer na ikinagulat nito ng husto.

Hindi nagpahuli si Rachelle at niregaluhan ng worth P30,000 chair si Gab from Dimensione na magagamit nito sa kanyang recording studio. Pina-reserba ni Gab ang chair, nalaman ni Rachelle at siya na ang bumili.

Produced ng Viva Concerts and Events ang Falling in Love, kung saan sa first night, guests sina Gab at Richard Poon at sa second night, apir uli si Gab kasama sina Ogie Alcasid at Gary at ex niyang si Christian Bautista.

Friends daw sila ni Christian kahit break na, kaya okey lang magsama sila sa isang show. Sabay ng concert ang release ng new album ni Rachelle with the same title at binubuo ng remake ng ilan sa best and most popular love songs of all time.

Hindi rin pala alam ni Rachelle kung totoong nanliligaw si Christian kay Karylle. Hindi siya nagtatanong at kung totoo man, okey sa kanya’t matagal na silang break ng singer.

* * *

Bongga ang Thanks­giving party sa enter­tainment press ni OMB Chair Edu Manzano dahil bukod sa maraming raffle gifts, umabot sa P150,000 ang cash na ipina-raffle. Pasasalamat daw niya ito sa support ng press sa kanya bilang OMB Chair, TV host at sa suporta na rin sa anak na si Luis Manzano.

Masaya rin nitong ibinalitang four years nang hindi napipirata ang movies sa Metro Manila Film Festival (MMFF) and this year, as of last Monday, umabot na sa P460 milllion ang combined gross ng eight movies na pinalabas sa filmfest.

Halimbawang matuloy tumakbong sena­dor sa 2010 elec­tions dahil mismong Malacañang ang kumukum­binse sa kanya, gusto ni Edu na isang lawyer ang pumalit sa kanya sa puwesto niya sa OMB for enforcement and legal matters daw ito.

Show comments