Gretchen tutok sa voice practice

Sa nakaraang concert na pinamagatang Ogie Sings With the Idols sa Aliw Theater noong Disyembre 20 at 21, 2008, kasama ng three-time Aliw Awards Entertainer of the Year and Hall of Famer na si Ogie Al­casid ang malalakas na puwersa ng mga mang-aawit sa pangunguna ng American Idol (Season 7) finalist Ramiele Malubay at ang Pinoy Idol (Top 3) na sina Ram Chavez, Jayann Bautista at Gretchen Espina.

Sa kalipunan ng mga ‘idols,’ si Gretchen ang maituturing na outs­tanding sa pisikal na kaanyuan at husay ng tinig. Hindi ito mapa­susubalian dahil pamangkin siya ng Filipino singer na sumikat noong ’80s na si Aileen Espina at ang kanyang ina naman na si Dr. Cecille Espina, ay kumakanta rin.

Matindi ang kanyang pagna­nais na maging tanyag na mang-aawit din sa hinaharap kaya pag­katapos mag-aral, magko-con­centrate na siya sa pagkanta. Sa ngayon, panay muna pag-prac­tice sa kanyang vocal chords ang inaasikaso niya dahil napapa­nood siya sa SOP na nakikipag­biritan.

“My day is not complete without singing any song,” sabi ni Gretchen na umaming nada­dala siya ng mga malulungkot na kanta. “Singing is actually con­veying the emotions of a song. Kailangang maipadama sa mga nakikinig ang lalim ng awitin.”

Show comments