Isang kababayan natin sa Hong Kong ang nagkuwento sa akin na nakita niya sa isang bonggang hotel ang sikat na aktres na may escort na matandang mhin.
Nakiusap ang aking source na huwag nang i-mention ang kanyang name pero asking siya kung dyowa ni sikat na aktres ang senior citizen na escort niya.
Nag-promise ako sa aking informer na mag-iimbestiga ako para hindi siya lost in the dark. Lost in the dark daw o!
May alam ako sa lovelife ng sikat na aktres pero ibang nilalang at hindi old man ang alam ko na kabulungan niya ng sweet nothings!
* * *
Na-sight din sa HK ng aking informer sina Verni Varga at Senator Mar Roxas. Lilinawin ko na hindi magkasama ang dalawa dahil si Mama Korina Sanchez at ang Roxas family ang ka-join ni Papa Mar sa HK trip.
Maraming Pilipino ang nag-celebrate ng New Year sa Hong Kong. Yung iba naman, nagpunta sa HK pagkatapos ng New Year katulad ni First Gentleman Mike Arroyo at Senator Jinggoy Estrada. Lilinawin ko uli, hindi magkasama sina FG at Jinggoy dahil hindi sila buddy-buddy ’no!
* * *
Wala pa yatang communication ang mag-amang Gabby at KC Concepcion dahil siney nito sa presscon ng When I Met U na hindi niya alam kung naririto sa Pilipinas ang kanyang ama.
Nagpunta si Gabby sa US noong December dahil gusto ni Mommy Baby Concepcion na magkakasama ang buong pamilya sa Pasko at Bagong Taon.
Malungkot si Mommy Baby dahil sa pagkamatay ni Daddy Rolly noong September 2008. Ang magkasama ang kanilang pamilya ang Christmas wish ni Mommy Baby na bumalik din sa Amerika dahil sa kanyang petition.
Mismong si Gabby ang nagkuwento sa akin tungkol sa kanilang family reunion noong December nang magkita kami sa event ni Mang Erning Lim ng Prinsesa Papaya.
* * *
True ang balita na nagpadala sa akin ng text message si Dingdong Dantes pagkatapos ng Startalk noong Sabado.
May ‘hehehe’ ang message sa akin ni Dingdong. Hindi raw true na may nililigawan siya na member ng EB Babes. Paniniwalaan ko ang pagde-deny ni Dingdong dahil anak-anakan ko siya.
* * *
Thank you kay Wilson Lee Flores ng Philippine Star. Nagpadala sa akin si Wilson ng email at na-touch ako sa kanyang mga sinabi.
Appreciated ko ang lahat ng mga email ng readers ng PSN pero kaklaruhin ko lang na entertainment reporter ako, hindi guidance counselor. Nakikisimpatiya ako sa inyo at sa mga problema na idinudulog n’yo pero limitado ang aking kakayahan sa impossible request ng ibang readers. Isang assurance ang maibibigay ko sa mga humihingi ng financial help, ipagdarasal ko na ma-solve ang inyong mga problema. Promise!