Gabby wala nang planong bumalik ng 'Pinas

Pareho nang napiling most romantic movie sina KC Concepcion at Richard Gutierrez at ito’y ang The Notebook dahil sa timeless daw at nangyayari sa totoong buhay. Wish ng dalawa na maging timeless din ang When I Met U, ang Valentine’s Day movie nila na showing sa February 11 at co-produced ng Regal at GMA Films.

Walang nakitang pagbabago ang dalawa sa muli nilang pagtatambal dahil after For The First Time, halos araw-araw pa rin silang nagkikita’t nagtatawagan at natigil lang nang maging busy sila sa kani-kanyang trabaho. Ibinuking ni KC na madalas, isang oras silang nag-uusap sa phone ni Richard at siya nama’y mahilig mag-text.

Sa shooting, dumadalaw na ang mga TV reporters ng ABS-CBN at GMA-7 at sa presscon, nagsanib din ng puwersa ang dalawang networks to promote the movie. Wala ring makitang problema si KC dahil nasa kontratang maggi-guest siya sa Ch. 7 at si Richard ay sa Ch. 2.

“Maganda ang trato ng Ch. 2 at Star Cinema kay Richard at pasalamat ako kina Ms. Annette (Gozon-Abrogar), Joey (Abacan) at Mother Lily, they make sure na komportable ako at inalagaan nila ako ng husto,” sabi ni KC.

Sa February 10, ang premiere night ng When I Met U sa tatlong sinehan ng SM Megamall. Maglalabas din ang SonyBMG ng OST o Original Sound Track ng movie end of this month, kung saan maririnig si KC na kumanta ng theme song at kumanta rin si Richard.

Samantala, tama ba ang narinig namin kay KC na ‘di siya sure kung babalik pa sa bansa ang amang si Gabby Concepcion? Hindi ba may mga commitments pa ang actor dito?

* * *

Mukhang nauuso ang sinimulan ni Karylle na pagpapa-counseling after her break-up with Dingdong Dantes dahil may sumunod sa kanya. Nagpapa-counseling din ang isang actress na hiwalay na sa kanyang boyfriend para mada­ling matanggap ang pagtatapos ng relasyon nila ng boyfriend na kung ilang taon ding nagtagal.

Mas maganda ang naisip nina Karylle at ng actress na magpatulong to come to terms sa kinahinatnan ng kanyang relasyon sa mga taong mas may alam sa ganitong sitwasyon. Kesa maglasing, magwala at pumasok sa kung anu-anong bisyo, counseling ang naisip nila.

Dahil sa nalamang ito, promise, hindi na namin kukulitin ang actress na sagutin ang mga tanong namin sa paghihiwalay nila ng kanyang ex.

* * *

Hindi lang pala twice, kundi tatlong beses tinanggihan ni Baron Geisler ang bulaklak na ibinigay sa kanya sa grand presscon ng Tayong Dalawa. Obvious na napahiya ang girl na naatasang magbigay ng flowers sa cast, kaya nag-try uli itong ibigay ang ni-reject na flower noong naka-upo na ang buong cast kasama ang actor.

Pero ganun pa rin ang nangyari, hindi tinanggap ni Baron ang bulaklak at para hindi na ibalik sa kanya, ibinigay nito sa grupo ng veteran female reporters ang bulaklak. Ayaw sanang tanggapin ng mga reporter, pero nagpilit si Baron.

Either hate ni Baron ang flowers o hindi lang niya type na may dala-dalang bouquet habang ini-interview siya. ‘Kaloka si Baron sa gabi ng presscon, sa harap ng press, nagpaalam na pupunta ng restroom dahil baka raw isiping nag-walkout siya o kumuha ng alak sa bar.

Show comments