Ano ang bago sa 2009 fashion?
Sa ikalawang Linggo ng taong 2009 ay tutuparin ng Life and Style with Ricky Reyes ang pangako na maraming magaganda, bago at makabuluhang programa ang hatid mula alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa QTV-11.
Makakapanayam ng host-producer na si Mader Ricky sina Kiko (castaway ng Suvivor Philippines) at Phil Young husband (finalist Celebrity Duets) sa paksang — Paano ihihiwalay ang ’yong sarili sa pang-araw-araw na kinasanayan (comfort zone) at mamuhay na wala ito?
Makakatsikahan din ni RR ang sikat na designer na si Armand Remojo tungkol sa 2009 fashion. Ano ang in at ano ang out ngayong taon.
Sisimulan ang bagong segment na Tesda Idols kung saan mga tunay na kasaysayan ng mga matagumpay na kababayan na natulungan ng sangay ng gobyernong TESDA sa ilalim ni Sec. Boboy Syjuco ang itatampok. Si Apreal Tolentino ang gaganap na First Pinay automotive technician at si Chinggay Reigo naman sa first Pinay welder.
Abangan din ang Mommy Make Over para sa mga busy mothers dahil magbibigay ng mga ‘image tips’ ang beauty expert na si Dr. Rene Valerio.
Ang LSWRR ay napapanood tuwing Linggo.
- Latest