Seen : Si Vice- President Noli De Casto sa prusisyon ng Nazareno sa Quiapo. Nag-umpisa ang prusisyon ni Vice-President sa Manila City Hall. Hindi niya natapos ang prusisyon na tumagal ng dose oras.
Scene : Ang eleksiyon ng mga bagong officer ng Philippine Movie Press Club noong Biyernes. Nahalal na pangulo si Roldan Castro at Vice-President si Melba Llanera.
Seen : Ang lumalalang family feud ng mga Brodett. Galit sa dating actor na si Dave Brodett ang kanyang pamilya. Pinagbibintangan siya na nakikipagsabwatan sa mga opisyal ng PDEA kaya nadakip ang kanyang pamangkin na binansagan na Alabang boy at nahuli sa drug buy-bust operation. Sariling kapatid ni Dave ang nagsabi na showbiz na showbiz siya.
Scene : May trauma pa rin ang dalawang cameraman na kasama ni Ces Drilon na kinidnap ng mga miyembro ng Abu Sayyaf. Bumabalik sa isip nila ang traumatic experience kapag nakakakita sila ng tali.
Seen : Si Annabelle Rama at GMA 7 executive Wilma Galvante sa birthday party ni Redgie Magno. Share sila ng table. Past is past.
Scene : Tarzariray, Amasonang Kikay ang pamagat ng Season 21 ng Daisy Siete. Bida si Rochelle Pangilinan at leading man niya si John Lopez, ang cast-away ng Survivor Philippines.
Seen : May special participation sina Ram at Robin Nievera sa February 6 concert ng kanilang mga magulang, sina Pops Fernandez at Martin Nievera.