Tanging Ina N'yo... may sequel na

Sana hindi n’yo ma-miss yung episode ng Walang Tulugan mamayang gabi na reunion ng mga miyembro ng dating That’s Entertainment. Hindi ko batid ang kabuuang listahan ng mga alumni na masisilayan kong muli, ipinaglilihim ito sa akin ng mga talent coordinators ng show para raw sorpresa.

Ang alam ko kakanta sina Sheryl Cruz, Manilyn Reynes at Janno Gibbs. Iisa pa lamang ang nagpa­sabing hindi makararating dahil may commitment, tulad ni Ara Mina na nasa Lipa, Batangas. So, para sa iba pa, aasahan ko kayo mamaya.

* * *

Totoong maganda ang Baler, pero naniniwala ako na puwede pa sana itong mas mapaganda pa. Lalo’t mayro’n naman itong malaking budget dahil suportado ng PAGCOR. Ikinukumpara ko kasi ito sa isa pang makasaysayang pelikula, ang Rizal ng GMA Films na maganda ang continuity, lalo na ang cinema­tography.

Sa Baler, maraming parts akong nakita na hindi na binusisi, ’di ko alam kung nakalampas lamang sa direktor o talagang pinabayaan na lamang.

* * *

Nagbigay ng thanksgving party si Mother Lily Monteverde sa success ng Shake Rattle & Roll X at Desperadas 2.

Ito naman ang maipupuri mo sa matriarka ng Regal Films, ’di siya katulad ng ibang mga prodyuser na ni passes o salita ng pasasalamat wala. Tinutulungan mo na nga na mai-promote ang pelikula ay ayaw pang makipag-cooperate, madamot pa sa mga artista nila. Eh ang gusto ko lang naman mapaunlad ang filmfest.

* * *

After the huge success of Ang Tanging Ina N’yong Lahat, balitang gagawan na ito agad ng isa pang sequel.

Sa kabuuan kaya, nalampasan na ng filmfest ngayon ang kinita last year?

Malaki rin ang kitang ipinasok ng pelikula ni Judy Ann Santos na Kasal, Kasali, Kasalo nun. Sana naman dahil kailangang-kailangan ng mga benepisyaryo ang pondong makukuha nila, tulad ng Mowelfund.

Show comments