Rosanna Roces tumaba na naman

Seen:  Si Assunta De Rossi sa presscon ng U Women ng QTV 11. Pinabulaanan ni Assunta ang balita na hiwalay na sila ni Jules Ledesma ngunit umamin na bored housewife siya, senyales  na hindi siya masaya.

Scene:  Si Iza Calzado ang kino-consider na leading lady ni Richard Gutierrez sa  Pinoy version ng Zorro.

Seen:  Si Jomari Yllana ang co-producer ng concert nina Martin Nievera at Pops Fernandez. Natutuwa si Jomari dahil naibenta niya sa GMA 7 ang TV rights ng concert nina Pops at Martin. Associated ang dalawa sa ABS-CBN.

Scene:   Ang surprise birthday party para  kay Vhong Navarro. Sinorpresa siya ng girlfriend na si Desiree Del Valle at ng mga kaibigan sa pangunguna ni John Lloyd Cruz.

Seen:  Bumabalik ang katabaan ni Rosanna Roces. Age is fast catching upon her.

Scene:  Ang nakakauyang isyu na magkakabalikan sina Mark Herras at Jennylyn Mercado dahil dapat na silang i-repackage bilang mga mature actor at hindi lamang loveteam. Noon pa nagsalita si Mark na wala nang balikan na mangyayari sa kanila ni Jennylyn.

Seen:  Ang pahayag ni Karylle sa Star Studio Magazine na hindi pa siya handa na maging magkaibigan sila ni Dingdong Dantes, matapos ang kanilang break-up. Nagpakatotoo si Karylle.

Scene: Ang litrato nila ni Jon Avila ang profile picture ni Rufa Mae Quinto sa kanyang Facebook account. In love si Rufa Mae sa leading man niya sa Status: Single at hindi pang-promo ng pelikula ang kanyang nararamdaman.

Show comments