Bagong Dyowa ni Dennis hawig ni Marjorie

Seen : Ang bagong babae sa buhay ni Dennis Padilla. Babe ang tawag ni Dennis sa babae na hawig ng kanyang ex-wife na si Marjorie Barretto.

Scene : Ang Valentine concert ni Christine Escudero. Mahusay na singer ang asawa ni Senator Chiz Escudero.

Seen : Ang madalas na pagsama sa mga photo-op ng TV reporter na si Gretchen Fullido. Hindi kina­tu­tuwaan ang kanyang pagnanakaw-eksena sa mga presscon at interview.

Scene : Si John Lapus ang nag-nenega sa pang-aaway niya kay Boy Abunda. Mas maraming kaibigan si Boy sa showbiz kesa kay John.

Seen : Magka-level na sina Kris Aquino at Dingdong Dantes. Si Dingdong ang bagong endor­ser ng Goldilocks Bakeshop.

Scene :  Replay ang mga show ng ibang mga TV network. Nagtitipid sila. Hoping ang mga artista ng mga programa na  babalik sa regular schedule ang kanilang mga taping.

Seen : Sina Korina Sanchez at Senator Mar Roxas sa Hong Kong noong Bagong Taon. Kasama nila ang pamilya ng senador. Tanggap na tanggap si Korina ng pamilya ni Senator Roxas.

Scene : Dumating na kahapon si Katrina Halili mula sa  Amerika. Normal na uli ang takbo ng buhay ni Katrina. Lumalamig na ang isyu ng  naging relasyon niya kay Hayden Kho.

Show comments