^

PSN Showbiz

Diether mas pinili sina Angel at Sam

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Tuloy na ang pagtatambal nina Angel Locsin at Sam Milby sa isang serye ng ABS-CBN na sabi’y adaptation ng Korean novela at makakasama raw nila si Diether Ocampo. Ang serye ang mas pinili ng huli kesa offer na All About Eve ng GMA 7.

Bukod sa three main cast members, may makaka­sama silang isang Kapuso talent na mas pag-uusa­pan daw ang pagkakasali sa cast. Si Jennylyn Mer­cado ang agad pumasok sa isip ng marami, pero ma­labo ito’t kapipirma lang nito ng panibagong kontrata sa GMA 7 at kasisimula lang ng taping nila nina Mark Herras at Hero Angeles ng TV remake ng Paano Ba ang Mangarap?

Ang hula namin, si Karylle ang sinasabing Kapuso talent na makakasama sa cast dahil sa isang write-up sa singer-actress, nabanggit na tatlo ang gagawin niyang series sa ABS-CBN at kabilang ang dalawang adaptation ng Korean novela. Hindi kaya kay Sam o kay Diether naman ma-link si Karylle?

* * *

Ayaw sabihin ni KC Concepcion kung anong special number ang gagawin niya sa birthday pre­sentation ng Sharon bukas sa Araneta Coliseum. Basta, mas maganda ang kanyang gagawin sa gina­wang pagsasayaw sa ere last year.

Samantala, dahil kay KC, nakatikim kami ng tofu chicharon at vegetarian barbecue na pasalubong at baon niya sa shooting ng When I Met You. Aba’y ma­sarap ang kinain namin at hindi lasang tofu at vegetable lalo na nang isawsaw namin sa spicy suka.

Ten years ng pesco-vegetarian si KC na ang kinakain lang ay fish, fruits and vegetables, but she drinks milk at kumakain pa rin ng cheese. Gradual ang pagiging vegetarian niya at huli niyang kinain ay chicken meat. Puwede siya sa eksenang kumakain ng meat, pero hindi niya lululunin. May sariling paniniwala si KC kung bakit hindi siya magpo-pose for PETA.

Aliw pala ang sagot ni KC sa tanong kundi ba siya nanibagong magtrabaho sa GMA Films.

“Una sa lahat, sa Star Cinema ang crew from the di­rector, assistant director, DOP (o director of photography) hanggang sa PA, either babae o bading. Dito, mula sa director to wardrobe, puro lalaki, ramdam na ramdam mo tuloy ang pagiging babae. Gender ang ibig kong sabihin na puro lalaki ang katrabaho ko sa GMA Films,” paglilinaw ni KC.

Iba rin daw ang sistema ng trabaho at kung sa For the First Time ay four sequences a day lang sila, dito sa When I Met You, umaabot sila ng 10 se­quen­ces at naiintindihan niya kung bakit mabilis ang trabaho ni direk Joel Lamangan at ito’y dahil February 11 na ang showing nila.

Mas marami pa tayong malalaman sa movie sa presscon nito sa Saturday, bago sila tumungong Coron, Palawan ni Richard sa Sunday o Monday para mag-shooting.

* * *

Ang nasulat namin dito sa PSN na pagkakaroon niya ng dalawang girlfriends ang nilinaw ni Alfred Vargas nang makita namin sa shooting ng When I Met You. Si Jasmine lang daw ang nobya niya at walang Janna Roxas sa buhay niya.

Sagot namin, patanong ang pagkakasulat namin ng item dahil may nabasa kami tungkol sa kanila ni Janna. Hindi artista ang nobya ni Alfred kaya ayaw magkuwento ng husto. 

Anyway, hindi alam ni Alfred na original sa role na boyfriend ni KC si Marvin Agustin. Two days before the storycon, tinawagan siya at sinabing kasama siya sa cast at siyempre, excited siya’t sina KC at Richard Gutierrez ang kanyang makakasama.

“Ang ganda nga ng pasok ng 2009 sa akin, kasama rin ako sa Single ng Viva Films as one of Rufa Mae Quinto’s leading men at showing na kami sa January 29. Sunod na ipalalabas ang When I Met You at sa TV naman, kasama ako sa All About Eve. I’m looking forward for more projects this year,” sabi ni Alfred.

ALFRED VARGAS

ALL ABOUT EVE

ARANETA COLISEUM

DIETHER OCAMPO

FOR THE FIRST TIME

HERO ANGELES

JANNA ROXAS

NIYA

SHY

WHEN I MET YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with