Karylle hindi nagmamadali sa susunod na guy

May kasabihan na para madaling maghilom ang isang broken heart, kailangan ng isang bagong pag-ibig.

Kahit tipong naka-move on na si Karylle sa naging hiwalayan nila ni Dingdong Dantes, siya mismo ang magsasabi na ang kanyang pagiging abala ang nakakatulong ng malaki para hindi na niya maisip ang nakaraan. Plus the fact na may mga umaali-aligid na sa kanya ngayon, na katulad niya ay brokenhearted din. Tulad nina Jericho Rosales at ni Christian Bautista.

“I’m flattered to be linked with all these good actors and handsome guys pero hindi naman ganoon kadali makipagrelasyon. And I’m not yet ready to fall in love again. I have to focus on my career. Nakakahiya naman sa ABS-CBN kung hindi ako makapag-concentrate.

“Definitely, I will have time for love. Kailangan ko naman ng inspiration pero, not right away. Besides, I really have to know the guy very well. I hope that next time will be better,” sabi ng napakaabala at latest recruit ng Kapamilya network.

* * *

You’d think that after his failed relationships, malulungkot na si Luis Alandy. Hindi po, happy siya sa kanyang non-showbiz girlfriend at masaya naman sa takbo ng kanyang career sa GMA 7 na kung saan hindi naman siya nababakante.

Hindi ba siya nagsisisi na iniwan niya ang ABS-CBN para sa GMA 7?

“Hindi naman dahil nakakaapat na teleserye na ako sa Siete at lahat nama’y magaganda ang role ko. I have a two-year contract with them.

“Magaganda rin naman ang mga naging projects ko sa Dos pero nang matapos ang kontrata ko sa kanila, may dumating na offer from GMA 7, yung Impostora. Maganda ang role kaya tinanggap ko,” sabi niya.

Galing si Luis sa pamilya ng mga artista. Amain niya si Romeo Vasquez at magkamag-anak din sila ni JC de Vera.

“Nag-artista ako dahil sa pamamagitan nito, nakaka-reach out ako sa mga tao. This is the reason why I also took up psychology in college kahit hindi ko pa ito natatapos. Masayang mag-aral ng behavior ng tao,” dagdag pa niya.

Bukod sa pag-aartista ay may­roong buy and sell of cars na negosyo si Luis pero sinabi niyang ang pag-aartista ang bread and butter niya.

Kasama si Luis sa Luna Mystika ng GMA 7.

* * *

Kailangan siguro ng I’ve Got Male singing group (Harry Santos, Bryan Ter­mulo, Jan Nieto at Gian Magda­ngal) ng exercise. Napansin kong humihingal sila habang kumakanta noong Linggo sa SOP. Nakakabawas ito ng malaki sa per­for­­mance nila. ’Di ba director Danny Tan?

Nasaan na ba ang Sugar Pop? Na­lan­sag na ba sila dahil may bagong ka-tandem na si Julie Ann? Huwag naman dahil ang galing nila.

Binabati ko rin si direk Danny dahil ang galing niyang mag-train, lalo na ng mga singing groups. Ang galing din ng The Divas, lalo na si Jonalyn Viray. Pansin na pansin ang laki ng kanyang improve­ment as a singer.

Show comments