Piolo namataang kasama si KC sa condo?

Naging reunion of sorts ang ikalawang pagdaraos ni Ogie Diaz ng kanyang 39th birthday sa bagong tahanan niya sa Scout Madrinan, Quezon City nitong January 3. Sa panulukan nito ang ’di kalayuang condo, kung saan may ilang tenants pala roon ang taga-ABS-CBN.

Earlier that evening ay namataan si Piolo Pascual who owns a unit there, na ipinagtaka ni Ogie who was told na nasa Amerika pa raw ang aktor and wouldn’t be back until the promo period of his Love Me Again movie with Angel Locsin. Kasama raw noong time na ’yon ni Piolo si KC Concepcion, but Ogie brushed it aside. Inisip na lang nito that Piolo chose to enjoy the holiday tailend all by himself.

Pero ang lalong ikinagulat ni Ogie ay ang pagmu-move out ni AJ Dee na meron ding unit sa naturang condo. Ang katwiran daw ni AJ, umiiwas siyang maging kapitbahay si Ogie nang hindi nito maisulat ang kung anumang personal goings-on sa kanyang buhay.

Tumaas ang kilay ni Ogie, sabay dayalog: “Umiiwas daw siya sa akin? Ang tanong muna, kasulat-sulat ba siya?”

Big deal nga naman iyong planong paglikas ni AJ so as to evade being written about by a neighbor-reporter.

* * *

Dalawang beses sinabi ni John Lapus ang mga katagang “not indirectly” (which obviously means “directly”) when asked kung sa pakiramdam ba niya ay may kinalaman si Boy Abunda kung bakit hindi siya kasali sa Calayan billboard na nakikita along EDSA. But before he qualified his statement, sinagot na ni John ng affirmative ang tanong, although he used a wrong phrase “not indirectly.”

Ayon daw sa kanyang pagsasaliksik, the ones who took charge of the ad campaign were Kuya Boy, Kris Aquino, and Dondon Monteverde. Pero wala raw kinalaman si Kuya Boy tungkol sa kanyang non-inclusion in the group pictorial as Calayan’s endorser.

John, relying on his gut feel, assumed na baka raw hindi na siya isinama pa sa billboard ay dahil, and I quote: “Eh, kung isinama pa ako, dalawang bakla na kaming nasa billboard.”

I was stunned as I was bothered by John’s assumption. Bagama’t naiintindihan ko ang kanyang hinampo sa Cala­yan management for outright snubbing him as its en­do­rser for two years, it would be ridiculous to think that the billboard should bear not more than one faggot endorser.

Obviously, humahanap na lang si John ng justification by passing the buck to nobody in particular. Ang dali-dali lang namang solusyunan ang isyung ’yan: If John felt he was treated shabbily by Calayan, eh ‘di sa kalabang face and body clinic siya lumipat!

Paging Ellen’s.

Show comments