American Idol bibirit uli sa Q Channel 11!
Bagong-bihis at handa nang bumirit muli ang American Idol, ang pinakasikat na talent show sa buong mundo, sa Q Channel 11 ngayong January 2009!
May Fil-Am kayang muling magpapakitang-gilas sa buong mundo? Malalaman ‘yan simula sa four-hour, two-episode premiere ng American Idol Season 8 ngayong January 14 at 15 sa Q Channel 11. Ipakikilala na rin dito ang pinakabagong AI judge — ang Grammy-winning singer-songwriter na si Kara DioGuardi — na makakasama ang datihang AI judges na sina Paula Abdul, Randy Jackson at Simon Cowell, at host na si Ryan Seacrest.
Bukod kay Kara, may ilan pang mga pagbabago na mapapanood sa Season 8 ng AI. Imbes na apat ay tatlong linggo na lang ng auditions ang ipapakita sa pag-uumpisa ng 8th season. Naging dalawang linggo naman ang Hollywood week. Ngunit gaya pa rin ng dati, pasok pa rin lahat ng nakakatawa at nakakahangang highlights ng audition phase. Magbabalik din ang mga group number sa Hollywood round.
Pagdating sa semifinals, 36 contestants, mula sa 24 ng mga nakaraang season, ang mapipili. Magbabalik din ang wild-card picks – na huling ginamit noong Season 3 – kung saan hahayaan ang judges na pumili ng tatlong contestants para sumama sa top 12. Sa mga nagdaang season, ang “wild card picks na ito ang nakatulong para magtagal sa labanan sina Clay Aiken at Jennifer Hudson. Gaya naman ng nakaraang season, ang mga contestant ay maaaring tumugtog ng musical instrument sa kanilang performance.
Mapapanood ang four-hour, two-episode premiere ng AI Season 8 ngayong January 14 at 15 sa Q Channel 1.
- Latest