Kahit walang ingay na ginagawa ang Kapisanan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) o Actors Guild, buo pa rin ang samahan.
Katunayan, nagkaroon ito ng eleksyon recently at nakapili ito ng board of directors na kung saan manggagaling ang mga mamumuno ng kapisanan.
Nakapagtataka lamang kung bakit hindi nila inimbita ang mga past presidents.
I heard na-elect sina Phillip Salvador, Rez Cortez, Gina Alajar, Tirso Cruz III at iba pa. Congrats sa kanilang lahat.
* * *
Marami na ang matagal nang naghihintay sa pagsisimula ng Judy Ann Santos/Derek Ramsey telenovela sa Dos.
Nakakuha ng maraming tagasubaybay ang dalawa nang una silang magtambal sa Isabela. Malakas ang impact ng kanilang pagpapareha kung kaya marahil naisip ng ABS-CBN na pagtambalin silang muli pero, bakit hindi pa ito ipinalalabas?
* * *
Hinay-hinay naman si Vina Morales sa kanyang trabaho ngayong malaki na ang kanyang tiyan. Higit na maganda ngayon si Vina, siguro dahil babae ang isisilang niya.
Ang daming buntis na artista, kaya naman ang dami nilang manganganak this year.
* * *
Until now, wala pang leading lady si Richard Gutierrez sa Zorro, bagong serye ng GMA 7.
Bago dumating ang March, maraming mga serye na matatapos sa Siete. Gaya ng Luna Mystica, Gagambino at Lalola. Papalit naman ang Zorro, Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, Totoy Bato at All About Eve.
Abangan din ang susunod na StarStruck.
* * *
Okay kaya ‘yung pabago-bagong sistema ng MMFFP? Dati-rati sa Quirino Grandstand nagtatapos ang Parade of Stars, ngayon sa MOA (Mall Of Asia) na.
Pati ang awards night binago rin. Imbes na ito ang abangan, nalihis na ang atensyon ng lahat, napako na sa una sa konsyerto ni Lani Misalucha nung 2007, ngayong 2008 sa Katy the Concert naman.
Unfair sa mga winners, inagaw na ang imelight sa kanila. Hindi pa ito mapanood ng masa dahil masyadong mahal ang tiket. Oo nga’t ipinalalabas ito sa TV pero, maraming fans ang mas gustong makita ang mga idolo nila in person. Pati press, nagrereklamo dahil huli na nang malaman nilang imbitado sila.