Boy Abunda at Marian Rivera natuloy ang away-away
Seen : Ang Holiday greetings sa mga kalye ng Quezon City ni Jigo Garcia. Nagpaparamdam ng political plans sa 2010 ang tatay ni Jennica Garcia. Dating artista at member si Jigo ng That’s Entertainment.
Scene : Karera ang pamagat ng indie movie nina Laurice Guillen, Jay Manalo, Joem Bascon at Rosanna Roces. Si Adolf Alix, Jr. ang direktor ng Karera. Hindi pa maipalabas sa mga sinehan ang Aurora, ang rated X indie film ni Rosanna na mula sa direksyon din ni Adolf.
Seen : Si Alfred Vargas at ang magandang babae na date niya sa kanilang class reunion. Halata sa kanilang mga kilos na may relasyon sila.
Scene : Very ‘royalty’ ang pamilya ni Manny Pacquiao. Siya ang Pound-for-Pound King ng Boxing World. Princess ang pangalan ng kanyang pangatlong anak na babae at Queen Elizabeth ang pangalan ng bagong silang na anak nila ni Jinkee.
Seen : Ang mga sighting na magkasama sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho. Nagkikita sila at malaki ang pag-asa na magkabalikan ngunit nagiging maingat upang hindi magalit ang mga anak ng controversial doktora.
Scene : Imbitado ang mga artista na miyembro ng Oasis of Love Community sa Bible study at fellowship sa Linggo, 4:00 to 6:00 p.m. Christ The King Parish Church, Greenmeadows, Q.C.
Seen : “I love Ate Kris” ang sabi ni Marian Rivera nang hingan siya ng The Buzz staff ng message para kay Boy Abunda. May kahulugan ang sinabi ni Marian. Silent feud, perhaps.
Scene : “ I love Kris more” ang sagot ni Boy Abunda nang hingan ito ng reaksyon sa sinabi ni Marian Rivera.
- Latest