^

PSN Showbiz

Rivermaya sikat sa Singapore

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mama Salve, feel ko nang ilagay araw-araw sa column ko ang aking email address na [email protected].

Bakit? Aba, ang daming nagpadala sa akin ng e-mail at mga fresh news ang nasagap ko sa kanila. Nakabuti ang paghingi ko kay Muchos Grasas ng kopya ng litrato nina Luis Manzano at Angel Locsin sa bakasyon nila sa Macau. Inilagay ko sa column ko ang aking e-mail address at mabilis ang sagot ni Muchos Grasas.

Ipinadala niya sa akin ang mga litrato na hindi ko naman ma-publish dahil masyadong maliit ang size.

Puwede kaya na i-send uli sa akin ni Muchos Grasas ang mga litrato na mas malaki ang size para ma-share ko sa dear PSN readers?

Nagpasalamat si Muchos Grasas sa pag-mention ko sa kanyang name pero hindi ko na sasabihin ang full name para ma-preserve ang kanyang privacy. Basta Padrejuan ang family name niya!

May multiply account si Muchos Grasas at naloka ako dahil maraming biyahe sa abroad ang pamilya niya as in richie-rich sila. Kailangang maging friend ko ang mga Padrejuan!

Anyway, sure si Muchos Grasas na hindi itatanggi nina Angel at Luis ang Macau trip dahil maraming Pinoy ang nakakita sa kanila. Hinanap pa nga ng mother dear ni Muchos Grasas si Vilma Santos at sumagot si Luis na “ Nandyan lang siya sa tabi-tabi.” Super-Vilmanian ang madir ni Muchos Grasas.

* * *

May kuwento rin sa akin si Jose Bernardo Doguilos ng Singapore. All-praises si JB sa River­maya dahil nag-perform ang banda sa New Year Countdown sa Singapore. Ito ang kuwento ni JB:

“Ang galing-galing ng Rivermaya, Manay. Sila ang nag-perform ng finale dito sa Singapore New Year countdown. Before nag-countdown, sila ang nag perform. Tapos after countdown and fireworks display, sila ulit ang kumanta ng You’ll Be Safe Here.   

“Galing!! Nakaka-proud sila bilang Pinoy kasi very very big event dito ang New Year Countdown. May fireworks display at marami talagang tao kasi nga wala naman mga putukan dito.

“So, ang mga tao, gusto talaga na pumunta sa countdown party. Mabuhay ka Manay at I wish you all the best, good health, happiness and of course more blessings to come for this year and beyond.”

I’m sure, loyal reader si JB ng PSN kaya please lang, kung may picture ka ng performance ng Rivermaya sa Singapore New Year Countdown, i-send mo sa akin para ma-share natin sa beloved readers ng PSN.

* * *

Iba naman ang concern ni Anthon Garcia ng Dubai. Type niya na ipag-produce ng concert si Sarah Geronimo sa Dubai pero hindi alam ni Anthon kung sino ang kakausapin. Hiningi ni Anthon ang aking help kaya may-I-send siya ng e-mail:                              

“Kumusta po? Avid reader po ako ng kolum n’yo sa Pilipino Star Ngayon. Dubai-based OFW po ako...and gusto sana namin dalhin si Sarah Geronimo dito para sa isang concert...Ilang beses na po akong nag-e-mail kay Chai Garcia ng Viva pero walang sagot (over two months na yata na unreplied ang e-mails ko)...I also tried to call the Viva office but no one is picking up (I’m guessing maybe because of the holidays).

“My only problem is I have a sponsor that needs a confirmation ASAP...Could you help me get in touch with either Veronique or anyone else who can take immediate action?”

* * *

Tiyak na makakarating sa Viva bosses ang message ni Anthon. Ibinigay sa akin ni Anthon ang kanyang contact number.

Maayos kausap ang mga bossing ng Viva Films, lalo na si Boss Vic at ang kanyang mga anak na sina Vincent at Veronique. Mahaba ang holiday sa Pilipinas kaya walang pasok sa mga opisina.

Busy si Sarah sa shooting ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz at kung anik-anik pa. Kung hindi available si Sarah, puwedeng ako na lang ang dalhin ni Anthon sa Dubai at ang aking sangkatutak na mga alaga. Hindi ako nanunulot ha? Nagsa-suggest lang ako. 

ANTHON

DUBAI

GRASAS

MUCHOS

MUCHOS GRASAS

NEW YEAR COUNTDOWN

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with