MMFF Awards night tinipid, presentors walang honorarium

Congrats kay Christopher De Leon dahil siya ang nag-win ng best actor trophy sa awards night ng 2008 Metro Manila Film Festival.

Happy ako dahil nanalo si Boyet pero madodoble ang happiness ko kung madadagdagan ang tuma­tang­kilik sa pelikula nila ni Senator Jinggoy Estrada, ang Magkaibigan.

Para na akong sirang plaka dahil paulit-ulit ako sa pagsasabi na maganda ang Magkaibigan at kung pano­noorin ito ng madlang-bayan, gaganahan pa uli si Jinggoy na mag-produce ng pelikula.

Dapat nang palitan ni MMDA Secretary Bayani Fernando ang rule na best picture awardee ang mga pelikula na top-grosser at pinipilahan sa takilya. Unfair ‘yon sa mga quality film na talagang bongga ang pagkakagawa pero hindi pambata.

o0o

Cry si Anne Curtis sa best actress award na ibi­nigay sa kanya. Hindi expected at hindi umasa si Anne na mananalo siya dahil magagaling ang mga kalaban niya.

Win si Phillip Salvador ng best supporting actor trophy. Ang role niya sa Baler ang nagbigay sa kanya ng best supporting actor award.

Best picture ang Baler, best director si Mark Meily (Baler), best supporting actress si Manilyn Reynes (One Night Only ) at best child actor si Robert Villar ( Iskul Bukol).

Best Cinematographer si Lee Meily (Baler), best screenplay writer si Roy Iglesias (Baler), best theme song ang Lipad (Dayo), best musical scorer si Jessie Lasatin  (Dayo), best story writer si Joey Reyes (One Night Only).

Best editor si Danny Anonuevo (Baler), best production designer si Abet Santos (Baler), best visual effects awardee si Robert Quilao ng Dayo at best make-up artist si Noli Villalobos (Desperadas).

Ipinalabas kagabi sa RPN 9 ang MMFF awards night. Iba na talaga ang takbo ng panahon. Hindi na uso ang live coverage ng awards night dahil nagtitipid na rin ang mga producer. Hindi na rin nagbibihis ng maganda ang mga artista dahil very expensive na ang mga gown at kung anik-anik pa.

Walang honorarium na natanggap ang mga artista na nag-present ng award noong Sabado ng gabi. Ni hindi yata sila nakatanggap ng pasasalamat mula sa produ ng show!

o0o

Sigurado na ang pag-apir ni Dr. Hayden Kho sa Startalk sa January 3, 2009 at kung tama ang aking hinala, ‘yon na ang kanyang last TV appearance.

Na-hurt si Hayden sa mga nababasa niya tungkol sa kanyang suicide attempt at sa paghuhusga ng mga tao sa relasyon nila ni Dra. Vicki Belo kaya nag-decide na siya na balikan ang pagiging private citizen.

May kahabaan ang pag-uusap namin ni Hayden sa telepono noong Sabado pero hindi ko na idedetalye.

Hahayaan ko na siya ang mag-announce sa Saba­do ng mga plano niya pagkatapos ng malaking kontro­bersya na kanyang napasukan.

Tama lang na ayusin ni Hayden ang kanyang mga problema para magkaroon siya ng fresh start sa 2009.

o0o

In love raw talaga si Rufa Mae Quinto sa bagu­hang aktor na si Jon Avila. Si Jon ang escort ni Rufa Mae sa red carpet ng MMFF awards night.

Hindi raw gimik sa pelikula ang pagkaka­mabutihan nina Rufa Mae at Jon. Nag-umpisa ang kanilang magandang tinginan sa shooting ng pelikula na ginawa nila at ipalalabas sa January 2009.

Magkakaroon na si Jon ng free publicity dahil sa pagkaka-link niya kay Rufa Mae. Think Erik Santos, think Bobby Lopez...think... O di ba, gaya-gaya ako sa ‘think effect’ ni Ricky Lo?

Show comments