^

PSN Showbiz

Pangarap na maging super hero ni Luis, natupad

- Veronica R. Samio -

Matutupad na rin ang malaon nang pangarap ni Luis Manzano na maging isang super hero. Sa pinaka-huling Mars Ravelo character na gagawing serye ng ABS-CBN ay gaganap siya bilang Flash Bomba. Baka mapanood ito makatapos ang Dragonna na pinagbibidahan naman sa kasalukuyan ni Shaina Magdayao.

Napapanood sa kasalukuyan si Luis sa Dyosa topbilled by Anne Curtis and Live Entertainment na kung saan ay isa siya sa apat na host kasama nina Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Bianca Gonzales.

* * *

Marami ang nagtatanong kung paano nabubuhay ang magka-partner na Eda Nolan at Gian Carlos. May anak na ang dalawa bagaman at hindi pa sila nakakasal pero, may plano na raw silang magpakasal. Mabuti na lamang at may natatanggap na projects si Eda sa Dos, tulad ng Dragonna at Eva Fonda, pero hindi niya kasing suwerte si Gian na kahit naging StarStruck Avenger ay mabibilang sa daliri ang kanyang mga ginagawang trabaho sa GMA7.

Mabuti naman at nakakapag-negosyo ito kahit papaano at hindi na rin gaanong inaatake ng kanyang sakit sa dugo. Hindi rin ito magastos kaya yung kaunti nitong naipon nung marami siyang assignments ay napapagkasya nilang dalawa ngayon.

May mga nagtatanong kung gusto niyang maging cover ng men’s magazines, siguro dahil may anak na siya at sexy pa pero, sinabi ng young star na dahil may baby na siya ay puwede na siyang magpa-sexy. “Wholesome pa rin ako,” sabi niya.

* * *

Afford din naman si Allen Dizon na maghintay ng mga projects sa Viva Films na kung saan ay naka-kontrata siya at every two years ay nagre-renew siya.

Flourishing kasi ang kanyang negosyong buy & sell ng mga kotse kaya kahit bihira siyang makita sa pelikula ay nakakabuhay siya ng pamilya.

Isa rin si Allen na nakakapag-venture sa movie at stage play productions. Sellout ‘yung stage play niyang Hipokrito at Private Parts at maging ‘yung indie film niyang Paupahan. Ang maganda kay Allen pinaga­ganda niya ang bawat proyektong iprodyus niya.

Kasama siya sa Baler ng Viva Films bilang isang katipunero na nagpasuko sa mga kastila.

* * *

Maraming sikreto na ang nabubunyag sa Your Song Presents My Only Hope ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Dahil sa away na naganap, nalagay sa kiritikal na kondisyon si August (David Chua) at Rick (Xian Lim). Si August ay na-comatose kaya babalik si Fifi (Alex Gonzaga) para sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman para kay Rick. Ngunit bago pa man din niya masabi ay tuluyan nang pumanaw ang kanyang mahal. 

vuukle comment

ALEX GONZAGA

ALLEN DIZON

ANNE CURTIS AND LIVE ENTERTAINMENT

BIANCA GONZALES

DAVID CHUA

DRAGONNA

EDA NOLAN

EVA FONDA

SIYA

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with