Daboy 2008 showbiz top story

How true na nakikialam na raw si Kris Lawrence sa mga diskarte ni Katrina Halili? Kung totoo man ang nabalitaan ko, baka hindi rin magtagal ang kanilang relasyon at kung magpapatuloy man, ang showbiz career ni Katrina ang magsa-suffer.

Dapat malaman ni Kris ang kanyang lulugaran or else, magkakahilahan sila ni Katrina. Napag-usapan noon si Kris nang ma-link siya kay Jasmine Trias pero mas pinag-uusapan siya mula nang maging girlfriend niya si Katrina.

Magaganda ang sinasabi ni Kris tungkol sa eskandalo na kinasasangkutan ni Katrina pero may tsismis na off-cam, hate na hate niya si Hayden Kho.

Masisisi ba natin si Kris kung mag-emote siya? Na-hurt siguro siya nang aminin ni Hayden na true na nagkaroon ito ng relasyon kay Katrina. I’m sure, hindi nagustuhan ni Kris ang litanya ni Hayden na “for fun” lang ang namagitan sa kanila ni Katrina.

* * *

Pinipilahan pa rin sa mga sinehan ang Iskul Bukol...20 Years After. Iba talaga ang karisma sa takilya ni Vic Sotto na sinamahan pa ng malakas na hatak sa tao ni Joey De Leon.

Sulit na sulit ang ginastos ng mga produ ng Iskul Bukol nang mag-shooting ang cast sa Cambodia.

Tubong lugaw ang pelikula dahil dinudumog ito ng moviegoers.

Pumapangalawa ang Ang Tanging Ina N’yong Lahat sa mga MMFF movie na pinipilahan. Tuwang-tuwa si AiAi Delas Alas dahil napatunayan niya uli ang pagiging Box-Office Queen.

Kagabi ang awards night ng MMFF. Inaabangan ang resulta ng awards night dahil well-known ang jurors ng filmfest sa pagpili ng mga ‘kakaibang’ winner.

Masuwerte ang pelikula na mananalo ng best picture award dahil siguradong madadagdagan ang viewers nito.

* * *

Ang pagpanaw ni Rudy Fernandez noong June 7, 2008 ang sagot ko sa mga nagtatanong ng top showbiz story sa listahan ko.

Malaking kawalan si Daboy sa Philippine entertainment industry. Mahihirapan ang ibang mga aktor na mapantayan ang kontribusyon niya sa local showbiz.

Matagal na naging pangulo si Daboy ng Actor’s Guild at talagang nagkakaisa ang mga artista noong siya ang namumuno. Maraming project si Rudy na pinakinabangan ng mga kapwa niya artista.

Nami-miss ko si Daboy pero alam ko na mas maligaya siya sa kinaroroonan niya ngayon. Hindi na mabubura sa history ng Philippine showbiz ang kanyang pangalan.

Nag-iisa lamang siya.

* * *

Congrats uli kay Senator Jinggoy Estrada dahil pinupuri ng mga nanood ng Magkaibigan ang acting niya sa pelikula.

Natural na natural daw ang arte ni Jinggoy as in effortless kaya hindi malabo na makatanggap uli siya ng best actor award.

Pinatunayan ni Jinggoy sa Katas ng Saudi ang husay niya sa comedy at sa Magkaibigan, ipinakita niya sa mga tao ang kanyang galing sa drama.

Iilan na lang ang mga nagpo-produce ng pelikula. Gusto ko talaga na maging successful sa takilya ang Magkaibigan para ganahan si Jinggoy na mag-produce.

Show comments