Bago matapos ang taon, nag-released pa si Sarah Geronimo ng album - ang OPM Sarah Geronimo kung saan kasama ang maraming Tagalog hit songs niya kasama na ang theme song ng Baler na Ngayon, Bukas at Kailan. Kasama rin sa album ang Ikaw Ang Aking Pangarap na theme song ng Lobo, Kailangan Kita, Kung Ako Na Lang Sana, Minsan, Ikaw, Sa ‘Yo, Pers Lab, Miss, Lumingon Ka Lang, Kahit Na, Pangarap na Bituin, Ibulong sa Hangin, Hanggang Kailan, Pangarap Ko Ang Ibigin Ka, Bituing Walang Ningning, Narito at Paano Kita Mapasasalamatan.
Mismong si Mr. Vic del Rosario na ang nag-tsika na malakas ang order ng mga record bars sa nasabing album na before Christmas lang inilabas ng Viva Records.
At kung naging super successful ang career ng singer/actress sa matatapos na taon, plantsado na ang mga gagawin niya sa 2009.
Sinimulan niya this year ang sequel ng A Very Special Love, ang runaway blockbuster ng 2008 that paired her with John Lloyd Cruz - You Change My Life na nakatakdang ipalabas sa February 25.
Pagdating ng March, aalis siya papuntang Amerika para sa Sarah Geronimo, The Next One US Tour kung saan magiging guest niya sina Billy Crawford, Charlie Green at Mark Bautista. Maglilibot sila sa 14 cities and the tour will run until April.
In May, Sarah will be off on a provincial tour covering five cities. In October or November, she’ll be back at the Araneta Coliseum for another concert. Then there is a film in the works this time teaming her up with Piolo Pascual bago matapos ang 2009.
That’s not all. She’s scheduled to cut two new albums next year, and there are new commercials.
That’s hectic, in fairness. Naku, paano na ang lovelife mo Sarah?
* * *
Marami nang humuhula na ang Baler ng Viva Films ang maghahakot ng major awards sa gaganaping Metro Manila Film Festival awards night ngayong gabi sa Sofitel Philippine Plaza sa Harbor Garden Tent, 6:30 n.g. na sisimulan sa red carpet entrance ng mga artista ng walong pelikulang kasali.
Mula sa best picture, best actor for Phillip Salvador at best actress for Anne Curtis hanggang sa production design, sinasabing makukuha ng Baler. Although may laban daw si Ogie Alcasid for best actor para sa Desperadas 2.
Anyway, magiging host ng awards night si Mr. Boy Abunda at guest performers sina Karylle, Richard Poon, Sitti at Yeng Constantino. After ng awards night, papasok agad ang Kathy the Musical Concert na magsisimula ng 8:30 n.g. at pangungunahan nina KC Concepcion at Jericho Rosales kasama sina Mitch Valdez, Dulce, Rachel Alejandro, Ayen Munji, Eugene Villaluz, Bituin Escalante, Jonalyn Viray, Aicelle Santos, Maricris Garcia, Frenchie Dy, Gian Magdangal, Sitti at Gab Valenciano.
Ang tickets ng MMFF awards night ay nagkakahalaga ng P15,000 at P10,000 na may kasamang dinner at show only tickets (walang dinner) sa halagang P1,000. Mabibili ang mga ticket sa Ticketworld (891-9999) at piling National Bookstore outlets, Robinson’s Department Stores at Ayala Center Ticketnet (911-5555) at lahat ng SM Department Stores. Gayundin sa Araneta Coliseum Box Office mismo.
* * *
Ayaw maglabas ng figures sa ginaganap na festival ang MMFF. Pero ayon kay Mr. Ric Camaligan ng SM, sa unang araw ng festival, nanguna sa lahat ng SM Malls ang 1. Tanging Ina N’yong Lahat , 2. Iskul Bukol... 20 Years After, 3. Shake, Rattle and Roll, 4. Desperadas, 5. Baler, 6. One Night Only, 7. Dayo at 8. ang Magkaibigan.
Ang nasabing resulta ay base lang sa unang araw - December 25. Sa lahat rin lang ito ng sinehan ng SM at hindi kasali ang iba pang malalaking sinehan sa ibang malls. (SVA)