Seen : Si MMDA Secretary Bayani Fernando na nagpa-picture kasama si Ogie Alcasid sa MMFF Parade. Nakabihis-babae si Ogie. Bagay sila ni Secretary Fernando.
Scene : Ang unofficial ranking sa opening day sa mga sinehan ng mga pelikula na kasali sa MMFF: 1. Iskul Bukol…20 Years After 2. Ang Tanging Ina N’yong Lahat 3. Shake, Rattle & Roll X 4. Desperadas 2 5. Baler 6. One Night Only 7. Dayo 8. Magkaibigan.
Seen : Extra lang si Richie D’Horsey sa Iskul Bukol..20 Years After. Mas marami ang publicity tungkol sa kanyang paglaya. Maigsing-maigsi ang role niya sa Iskul Bukol.
Scene : Ang comparison sa relasyon nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa relasyon nina Madame Auring at Archie Mendoza.
Seen : Hindi well-photographed si Katrina Halili sa One Night Only. Nabigo si Dra. Belo sa pagreretoke sa mukha ni Katrina.
Scene : Maugong ang balita na ang Baler ng Viva Films ang best picture ng Metro Manila Film Festival at best director si Mark Meily. Si Mark ang direktor ng Baler.
Seen : Ayaw magsalita ni Joey Reyes sa misunderstanding nila ng producer ng GMA Films. His lips are sealed sa pagkakapurnada ng pelikula na gagawin niya dapat sa GMA Films.
Scene : Ang umiikot sa internet na reklamo laban kay DJ Durano ng lalake na natapakan niya ang paa. Naganap ang insidente sa Tiendisitas noong December 21. Hindi nag-sorry si DJ. Nagkasagutan sila ng lalake. “ G. .o ka, hindi ka naman sikat!” ang sigaw ng biktima sa character actor na papalayo. Hindi na bumuwelta si DJ. Totoo ang sinigaw ng lalake.
Seen : Si Paolo Contis sa Rockwell Mall noong Christmas Day. Hindi kasama ni Paolo si Isabel Oli. Talagang hiwalay na sila.