Kung nag-deny si Hayden, hindi ko na problema 'yon

Pinanood ko ang interview ng 24 Oras kay Hayden Kho at hindi ako na-shock nang i-deny niya na may video sila ng girls na nali-link sa kanya.

Mas shocking kung inamin ni Hayden na true na nagi-exist ang video dahil  parang nag-self destruct na talaga siya, pagkatapos ng kanyang attempted suicide.

Sa totoo lang, ikinaloloka ng mga kakilala ko ang pagkakadamay ko sa isyu. Para na talaga akong reincarnation ng suka, sawsaw ako nang sawsaw sa isyu.

In fairness to me, hindi ako nakikisawsaw sa hiwalayan portion nina Hayden at Dra. Belo.

Nag-share lang ako ng mga nalalaman ko dahil sa kakukulit ng mga nagtatanong sa akin at sumusubaybay sa saga ng love affair nina Mama Vicki at Hayden.

Hindi ko inimbento ang isyu na may video si Hayden and the girls  dahil kung ano ang ikinuwento sa akin, ‘yon din ang narinig ng mga nangulit sa akin. Walang labis, walang kulang.

Pero kung nag-deny si Hayden, hindi ko na problema ‘yon. Sila na ang bahalang mag-usap ni Mama Vicki pero kung sasabihin nito na tulungan ko si Hayden na makabalik sa showbiz, why not?

Sino ba ako para tanggihan si Mama Vicki?  Matagal na kaming mag­kaibigan. Mas matagal pa ang friendship namin kesa sa relasyon nila ni Hayden. Nakilala ko si Mama Vicki noong nag-uumpisa pa lang na maging famous ang clinic niya  kaya sa mga nagsasabi na dumidikit ako sa kanya dahil richie-richie siya, think again.. I am rich in my own right. We are all rich in our own right...

Lilinawin ko uli. Hindi ko inaatake si Hayden ‘noh! Inire-report ko lang ang mga nangyayari para sa kapakanan ng aking dear PSN readers. ‘Yun lang!

* * *

Hindi ko matandaan kung nag-deny si Katrina Halili tungkol sa tsismis na nagkatikiman sila ni Hayden.

Basta ang alam ko, hindi siya umamin. Kung hindi man nag-deny si Katrina, blessing in disguise na rin dahil umamin si Hayden sa national TV tungkol sa kanilang nakaraan. Kung nag-deny si Katrina, ang credibility niya ang masisira.

Sa totoo lang, nakakaawa si Katrina dahil siya ngayon ang nega sa paningin ng madlang-bayan.

Siya ang tinatawag na ahas at ng iba pang masasakit na salita dahil nagawa niya na sirain ang tiwala ni Mama Vicki na malaki ang naitulong para ma-improve ang kanyang mukha at katawan.

Ikinaloka ng mga baklita ang pag-amin ni Hayden na nagkatikiman sila ni  Katrina. Parang sinira raw ni Hayden ang magandang takbo ng career ni Katrina na trying to be not affected pero harassed na harassed ang itsura mula nang pumutok ang balita na siya ang third party sa hiwalayang Hayden at Mama Vicki.

* * *

Type na type ko ang damit na suot ni Diana Zubiri sa MMFF parade of stars noong Miyerkules.

Naka-short lang si Diana pero eleganteng-elegante ang kanyang blouse na suot. Natuwa ako nang malaman ko na si Bong Lazo ang gumawa ng bonggang outfit ni Diana.

Eh matagal ko nang kilala si Bong. Subok na ang kanyang husay bilang fashion designer. Hindi nga lang high-profile si Bong pero dinarayo ang kanyang mga puwesto sa Landmark Trinoma at sa mga branch ng Robinson’s Department Store.

Hindi ako sure kung nakunan ng photographer ng PSN ang bonggang outfit ni Diana sa parada pero kung may kopya tayo, pakilagay mo Mama Salve para may idea ang readers sa mga sinasabi ko. Sa mga gustong magpagawa kay Bong ng damit, call n’yo siya sa 925-2039 o sa kanyang cellphone, 09178108174. Merry Christmas again to all!

Show comments