Kape sekreto ng mga DJ
Katalinuhan bukod sa hilig sa musika ang isang rekisitos sa pagiging radio disc jockey. Hindi lang pagpapatugtog ng kanta ang kanilang gawain. Kailangan din nilang aliwin at sagutin ang tanong ng kanilang mga tagapakinig.
Para naman sa mga sikat na DJ ng bansa na sina Papa Jack ng 90.7 Love Radio, T. Bowne ng YES FM 101.1, Mr. Fu ng 91.5 ENERGY FM at Jumbo Joe ng 93.9 IFM, nakakapagpalakas ng kanilang kaisipan at konsentrasyon sa trabaho ang pag-inom ng paborito nilang NESCAFE Classic. Nagsisimula ang araw nila sa pag-inom ng kape. Ito rin ang sinasabi sa positively coffee.org na kanilang napatunayan.
“Sa pag-inom ko ng kape bago ako umere, mabilis kong nasasagot ang mga listener ko at nakakapagpasaya ako ng mga tao,” sabi ni Papa Jack o John Gemperle. Nakakapagbigay siya ng nakakatuwang komento habang nagpapayo mga tagapakinig sa kanyang mga pogramang True Love Conversation at Papa Jack’s Confession.
Pero, sabi nga ni Papa Jack, lagi siyang alerto dahil sa pag-inom ng isang tasa ng kape.
Naririnig ang kanyang programa tuwing Lunes mula alas-9:00 ng gabi hanggang alas-2:00 ng madaling-araw.
Mahigit isang dekada na sa radio industry si Bryan Quintoriano na mas kilala bilang T-Bowne kaya alam niyang susi sa pagbibigay-aliw sa mga tagapakinig ang pagiging alerto ng isip.
“Kailangang maging alerto ako lagi para makaisip ako ng magagandang adlib at maiwasang mamatay sa ere,” sabi ni T-Bowne na umaming inispirasyon niya ang kanyang ama sa pagkakaroon ng broadcasting career.
Dahil dito, nakatulong sa kanyang propesyon ang pag-inom ng NESCAFE classic. Nagkakaroon siya ng focus sa kanyang programa.
Maririnig si T-Bowne mula Lunes hanggang Sabado, alas-4:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.
Kapag naririnig naman ninyo ang tagline na ‘Dahil diyan, close na tayo sa radyo,’ malamang nakikinig kayo sa programang The Night Show with Mr. Fu ni Jeffrey Espiritu na mas kilala bilang Mr. Fu.
“Ilang taon na akong umiinom ng NESCAFE Classic. At nakakapagpatalas ng isip ko ang pag-inom ng kape. Kaya madali akong nakakabuo ng jokes at adlib sa aking show,” wika pa niya.
Bukod sa pagiging love guru, naibabahagi rin niya sa kanyang mga listener ang bagong tsismis sa showbiz.
Inieere ang kanyang programa mula Lunes hanggang Biyernes, alas-7:00 ng gabi hanggang alas-9:00 ng gabi.
- Latest