Maricel hinirang na spokesperson para sa kutis na malinis

Kinuha kamakailan ng Johnson & Johnson bilang tagapagsalita ng Linis-Kinis, Sagip-Kutis campaign ng Pure Essential ang aktres na si Maricel Laxa-Pangilinan.

Sinabi ni Maricel na layunin ng kampanya na mamulat ang bawat pamilya sa mga sanhi at epekto ng dry skin, maglatag ng mga konkretong lunas para sa pangangalaga ng balat para sa bawat miyembro ng pamilya.

Bukod sa pag-arte, nakilala si Maricel sa iba’t ibang klase ng simulain tulad ng sa Parenting Company at ng Master’s Lighthouse Foundation na nagbibigay ng seminar-workshop para maigiya ang mga magulang sa pag-aalaga ng mga anak.  

Itinuring din ni Maricel na isa pang mahalagang aspeto ng kanyang parenting advocacy ang kakayahang makaimpluwensya sa ibang tao.

Sa kampanyang Linis-Kinis, Sagip Kutis ay naiimpluwensiyahan sa tamang pangangalaga ng balat ang isang pamilya, mga anak, at ang kinalalakihan nilang kapaligiran.

Show comments