Pia tanggap ng kapamilya ng mga Sotto

Marami ang nakapuna at natuwa rin at the same time para kay Pia Guanio dahil talagang tanggap na siyang kapamilya ng mga Sotto. Nang dumating sina Tito, Vic at Joey sa premiere night ng kanilang pang-Metro Manila Film Festival Philippines (MMFFP) ’08 entry na Iskul Bu­kol…20 Years After ay kasa-kasama nila ang ka­ni­lang mga asawa na sina Aileen Macapagal de Leon at Helen Gamboa-Sotto.

Siyempre, ’andun din si Pia na kasama ni Vic na hindi pa man Mrs. Sotto ay alam mo na na ito ang kahihinatnan niya sa kanilang relasyon. Nakatutuwang pagmasdan ang tatlo na tahimik lamang sa tabi ng kanilang mga mahal habang ang mga ito ay bumabati sa napakaraming tao na sumaksi sa unang pagpapalabas ng Iskul Bukol. Pare-pareho pang itim ang suot nilang tatlo.

Sa pakikipag-usap sa dalawa (Vic at Pia) inamin ng mga ito na doon na rin pa­­tutu­ngo ang kanilang re­las­­yon, ang kwestyon la­mang ay kung kailan. Maski si Vic na dati ay tahimik pag­dating sa kan­yang love­life ay aminado na mahal niya ang TV host at ito na ang gus­to niyang maka­sama sa kan­­yang buhay na sinuklian lamang ng napa­katamis na ngiti ni Pia.

Ibang pakikipagsapalaran naman ang ginampanan ni Vic Sotto sa MMFFP entry ng kan­yang M-Zet TV ka-partner ang OctoArts Films at APT En­tertainment. Muli, binuhay niya ang character ng nerd na si Vic Ungasis na alumnus ng Wambol University na kung saan ay galing din ang magkapatid na Escalera na sina Tito at Joey.

Mas comedy ang Iskul Bukol kaya umuugong ang tawanan sa sinehan na pinagtanghalan nito. Parang wala akong narinig na mga comments ng audience at puro tawanan lamang ang sukli nila sa mga eksena na lumalabas sa screen.

Alam mo na pelikula ng Dabar­kads ang pinanonood mo dahil an­dun ang mga mukhang araw-araw ay nagpapasaya sa mga TV viewers kung tanghali, maliban kay Ryan Agoncillo na talagang halos mag­prisinta para makasama sa movi­e. Hindi siya nagkamali, enjoy siya sa kanyang short stint with the Eat Bulaga group.

* * *

Naospital pala si Jake Cuenca ha­bang sinu-shoot ang Tayong Dala­wa, bagong serye ng ABS CBN, sa Baguio. Tatlong araw itong na-con­fine sa ospital sa Pan­ga­­sinan dahil sa typhoid fever na hindi niya malaman kung saan niya na-pick up dahil bukod sa hindi siya sanay kumain ng street food ay bottled water naman ang iniinom niya.

Pansamantala ay tigil muna siya sa kanyang diet dahil kailangan niyang lumakas kaagad para makabalik sa kanyang trabaho sa Tayong Dalawa na gumaganap siyang kapatid ni Gerald Anderson at ka-love triangle nito kay Kim Chiu. Maswerte siyang siya ang nakasungkit sa puso ng dalaga na malamang ika-react ng mga Kimeralds.

Ang Tayong Dalawa ay tungkol sa dalawang magkapatid na may magkaparehong pangalan at umibig sa iisang babae. Kasama rin sa serye sina Agot Isidro, Cherry Pie Picache, Gina Pareño at Helen Gamboa.

* * *

Itinuwid ni Angel Locsin sa presscon ng Love Me Again, opening movie ng Star Cinema for 2009 na ginawa sa Australia na kumonti ang assignment niya nang umalis siya ng GMA 7 at lumipat ng ABS-CBN.

Choice daw niya na medyo humaba-haba ang patlang ng kanyang mga trabaho sa Kapamilya dahil ayaw niyang ma-overwork at mapaghandaan ng mabuti ang kanyang trabaho.

“Gusto ko ang ganito dahil napipili ko ang role na tinatanggap ko at nasisiguro ko na mapa-proud ako sa anumang project ko,” paliwanag niya.

First movie nila ni Piolo Pascual ang Love Me Again na ayon sa direktor na si Rory Quintos ay proudest siya sa love scene ng kanyang mga bida sa movie. Bukod sa napakaganda nitong lumabas ay talagang napaka-sexy pa.

 “Isang araw naming kinunan ang love scene. Noong una ninenerbiyos pa si Angel pero nang magtagal, mas naging confident pa siya kesa kay Piolo,” kwento ng direktor.

Show comments