Tiyak sasabihin mong kabagu-bago pa lamang ay mataray na si Maricar Reyes, bagong Kapamilya at wala pang isang taon na inaalagaan ng Star Magic.
Pero walang pagyayabang ang kawalan niya ng interes na maging cover ng mga men’s magazines.
“Very conservative ang mga parents ko. Isa pa, wala akong katawan na ipapakita,” paliwanag niya.
Na totoo naman, dahil medyo matangkad siya, kitang-kita ang kakulangan niya ng timbang pero, hindi niya ito pinoproblema. Kahit payat siya, sinasabi niyang wala siyang sakit, very healthy siya.
Si Maricar ang pinakahuling dagdag sa I Luv Betty La Fea. Gagampanan niya ang napakahalagang role ng unang pag-ibig ni Armando Solis (John Lloyd Cruz). Siguradong hindi si Betty ang magbibigay sa kanya ng problema kundi ang magkapatid na Ruffa Gutierrez at Megan Young. Balak niyang sumosyo sa magasin na itinayo ni Betty. Maganda si Candy (Maricar), mabait pa ang character niya.
Unang acting experience ito ng magandang baguhan na bago nag-artista ay isang commercial model. Dito siya nakita ng ABS-CBN, kinontak at pinag-VTR. Pagkatapos nito ay pinag-acting workshop siya agad at isinalang sa I Luv Betty La Fea.
Sa isang palabas na marami ang magaganda para mapalutang ang kapangitan ni Betty, hinuhulaang mabilis na makakakuha ng atensyon si Maricar dahil sa kanyang angking kagandahan. Bonus na lamang kung magaling pa siyang umarte.
* * *
Hindi kapani-paniwalang walang manliligaw si Kim Chiu. Kung totoo man ito, dahilan siguro ito sa associated siya kay Gerald Anderson at marami ang naniniwalang hindi lamang sa kamera ang kanilang relasyon, umaabot na rin ito sa pribado nilang buhay.
Hindi itinatanggi ni Kim na MU sila ng ka-loveteam. Pero hindi ibig sabihin kontrolado na nila ang isa’t isa. Puwede pa rin siyang tumanggap ng manliligaw at si Gerald naman, puwede pa ring manligaw sa iba. Tulad nang mapaisyu ito kay Pauleen Luna.
“Okay lang sa akin kung manligaw siya sa iba. Ako, ayaw ko nang nililigawan ako. Okay lang sa akin yung text-text. Ayaw ko rin nung sinusorpresa ako.
“Takot ako sa closer relationship with Gerald dahil baka may mangyari sa amin eh mawala ang career ko. Ayaw kong mabuntis, hindi pwede dahil ako ang inaasahan ng mga kapatid ko, nanay at tatay nila ako. Takot akong mawalan ng trabaho.
“ Four years na akong walang boyfriend. Plano kong mag-asawa, siguro kapag 28 na ako at gusto ko sa isang mas matanda sa akin pero, hindi masyadong matanda, yung mature na mukhang bata,” dagdag pa niya.
Matagal nang nagti-tape sa Baguio ang dalawa para sa Tayong Dalawa, bagong serye ng Dos. Kasama nila si Jake Cuenca na ikatlong bahagi ng kanilang love triangle sa movie.
Sa serye, mature na ang role ni Kim na pumayag nang makipag-lips to lips kay Jake Cuenca, hindi ito miminsan kundi tatlong beses pa!
* * *
Inulan ng positibong feedback ang pilot episode ng Komiks Presents Mars Ravelo’s Dragonna sa ABS-CBN. Hindi na nga makapaghintay ang mga manonood na masubaybayan ang mga susunod pang episodes ng Komiks series na pinagbibidahan ni Shaina Magdayao.
Sa pagpapatuloy ng kwento, maililigtas ng tatlong bumbero na sina Junior (Arnold Reyes), Elmo (Long Mejia) at Narciso (Bayani Agbayani) si baby Rona. Sa una ay medyo mag-aatubili si Narciso na ampunin si Rona pero bibigay din ito sa hiling ni Junior at Elmo. Habang lumalaki si Rona, napapansin nila na may mga kislap ng apoy sa tuwing nagagalit si Rona.
* * *
Happy ang The Crystal Voice of Asia na si Marri Nallos dahil ang kanyang awiting Making Love Out of Nothing At All ay madalas mapakinggan sa radyo matapos na maging theme song ito ng Koreanovelang My Husband’s Woman.
Kagagaling lamang ni Marri sa isang Asian tour kasama sina Bobby Kimball of Toto and Bruce Conte of Tower of Power. May show ito ngayong araw sa Bluewave sa Macapagal Avenue. Guests are famous movie-TV personality turned singer, Juan Rodrigo and Szfariva dancers. Front act is Christan, a student of conservatory of music in UST.
Si Marri ay may guesting sa SM Muntinlupa on December 28. Wowie Taylor of Star FM is the host of both shows.