Hindi pala sa bansa magpa-Pasko si Piolo Pascual. Aalis siya sa Bisperas, 24, papuntang Amerika para makapiling ang anak na si Iñigo pero babalik siya bago ang kanyang birthday sa January 12 at para na rin sa promo ng Love Me Again na aminado ang aktor na matinding hirap ang dinaanan nila sa shooting na inabot ng tatlong buwan. Actually, bago pa sana mag-Metro Manila Film Festival ipalalabas ang pelikula nila ni Angel Locsin pero nagkaroon sila ng konting problema sa shooting sa Australia at sa Bukidnon.
Pero maganda naman daw lumabas ang pelikula na nauna nang naipalabas sa Amerika. At for a change, hindi Miyerkules palabas ang Love Me Again na opening salvo ng Star Cinema - January 15, Huwebes.
Matagal-tagal nang hinihintay ang pelikulang ito after nilang magtambal sa Lobo.
Land Down Under ang dating title ng pelikula na dinirek ni Rory Quintos.
Nangangarap si Arah (Angel Locsin) ng mas mabuting buhay— buhay na iba sa nakasanayan niya sa Bukidnon. Sa patuloy na paghirap ng buhay, lalong gumaganda ang oportunidad sa Australia. Subalit iba ang tingin ni Migo (Piolo Pascual) dito. Naniniwala siyang mas gaganda ang Bukidnon kung hindi umaalis dito ang mga tao. First love ni Arah si Migo.
Nang maaksidente ang ama ni Arah, wala itong nagawa kundi piliin ang mas magandang buhay sa Australia. Dito naghiwalay ang landas nina Arah at Migo.
Sa pakikisalamuha ni Arah sa Australia, unti-unting nagbago ang buhay niya. At sa patuloy niyang pagpupursige, napansin siya ng kanyang among si Brian.
Samantala, patuloy na lumulubog ang buhay at kabuhayan ni Migo sa Bukidnon. Dito na siya nagdesisyon na subukan ang buhay sa Australia kung saan naroroon din ang mga kaibigan at si Arah na iniwan siya kapalit ng kanyang mga pangarap.
Hmmm, interesting ang kuwento.
By the way, parehong ang gara ng Hummer nina Piolo at Angel. Aba kinukunan ng picture ng mga nasa harap kahapon ng Annabelle’s resto kung saan sila nag-presscon. Halos magkatabi lang na naka-park ang dalawang mamahaling sasakyan. Black Hummer ang kay Angel at parang Beige ang kay Piolo. Grabe ang yayaman nila ha.