Hindi na ako naawat ni Papa Miguel Belmonte nang pumunta ako sa opisina ng PSN noong Huwebes.
Gusto ni Papa Miguel na mag-stay ako para sa Christmas party ng PSN. Type ko na pagbigyan ang request ni Papa Miguel pero the spirit is willing but the flesh is weak. Hindi ko pinangarap na makita ng lovable staff ng PSN na inaantok ako habang nagkakasiyahan sila. Ayokong isipin nila na hindi ko na-appreciate ang kanilang effort na mag-present ng mga bonggang-bongga na production number.
Siyempre, tinanong ako ni Papa Miguel tungkol sa mga bago at hot na showbiz news. May alam ako na malaking balita na kasasagap ko lang noong Huwebes pero hindi pa puwedeng isulat dahil masyadong sensitive ang isyu.
Thank you nga pala kay Papa Miguel dahil sa kanyang Christmas gift na personal niya na inabot sa akin. Hindi ko na sasabihin kung ano ang natanggap ko dahil siguradong marami ang maiinggit!
* * *
Bago ako nagbabu sa opisina ng PSN, umakyat muna ako sa mataas na lugar na pagdarausan ng kanilang Christmas party.
Naloka ako sa na-sight ko, ang mga original katutubo na imported from SBMA. Sumayaw sila nang sumayaw sa harap ko. Walang ka-effort-effort ang pagsasayaw nila. Bumilib ako sa kasimplehan nila.
Hindi ako umuwing luhaan dahil pinabaunan ako ni Mama Salve ng mga give-away mula sa PSN. Bongga ang laman ng grocery bag at ang mga PSN t-shirt na natanggap ko. Masuwerte ako dahil part ako ng PSN family!
* * *
Hindi ko na sasabihin sa inyo ang name ng isang important showbiz personality na tumawag sa akin kahapon.
Worried ang VIP na kausap ko dahil negang-nega ngayon ang image ng artista ng kanyang pelikula. Baka raw makaapekto sa box-office result ng pelikula ang kanegahan ng artista na tinutukoy.
Hindi ko masisisi ang VIP sa tensyon na na-feel niya. Kalat na kalat na ang bad attitude ng artista na lumalabas na ang tunay na kulay! O ayan ha, blind item ang pagkakasulat ko. Baka i-claim na naman ng iba diyan na sila ang artista na tinutukoy ko!
* * *
Hindi ko na nakausap si Dra. Vicki Belo noong Huwebes dahil nagpalit siya ng cellphone number.
Knowing Mama Vicki, may-I-change siya ng cellphone number dahil gusto niya ng katahimikan.
Kinukulit kasi siya ng mga tao na nagtatanong kung true or false ang tsismis na hiwalay na sila ni Hayden Kho.
Sa huling pag-uusap namin ni Mama Vicki, sinabi niya sa akin na pupunta siya sa Amerika to mend her broken heart. Meaning, the end na nga ang love affair nila ni Hayden.
Igagalang ko ang privacy na hinihingi ni Mama Vicki. Hindi biro ang mga pinagdaanan niya, lately. Karapatan niya na magkaroon ng peace kaya nga panay ang kanyang practice ng Bikram yoga .