Los Angeles (E! Online) – Malamang hindi naipagtabi si Whitney Houston ng namayapa niyang amang si John ng sapat na pera para sa kanyang sarili.
Tila ito ang lumalabas sa demandang isinampa laban sa kanya ng kanyang stepmother na si Barbara.
Ayon sa demanda, sinarili umano ng 45 anyos na diva na si Whitney Houston ang $1 milyong insurance pay out mula sa estate o ari-arian ng kanyang ama na dapat sanang mapunta sa mortgage ng bago nitong condominium sa New Jersey.
Inireklamo ni Barbara na nang mamatay ang asawa niyang si John itinago lang umano ni Whitney ang may $723,000 para sa mortgage na nasa kanyang pangalan.
Hindi rin anya ibinalik sa kanya ni Whitney ang natitirang pera.
Tumanggi ang magkabilang panig na magbigay ng komentaryo. Abala ngayon si Whitney sa kanyang ikapitong studio album na may pansamantalang titulong Undefeated.
Inasahan sanang babalik sa music scene si Whitney nitong nagdaang Nobyembre pero inilipat ito sa taong 2009.
* * *
LOS ANGELES (Reuters) – Balik na muli ang komedyanteng si Jim Carrey sa paggawa ng mga nakakatawang pelikula kasunod ng kanyang huling thriller film.
Mangangahulugan ito na makikitang muli si Carrey na palundag-lundag habang nagsasalita sa cellphone at lulan ng motorsiklo habang nakasuot ng hospital gown.
Sa bago niyang pelikula, mapapanood muli ang husay ni Carrey sa pagpapatawa tulad ng ginawa niya sa mga nauna niyang hit na Liar! Liar at Bruce Almighty na kumita ng mahigit $180 milyon at $240 milyon sa Amerika, ayon sa pagkakasunod. Napakalaki ng agwat nito kumpara sa $35 milyon na kinita ng Number 23.