Lara dumaan sa sobrang hirap

Maraming pagsubok na dinaanan ang 2005 Miss International Pre­cious Lara Quigaman pero ang maganda’t maha­laga, nalagpasan niya lahat ng may matatag na puso’t isip. Malakas pa ang katawan niya para sa maraming plano sa buhay.

 Nang tanungin kung ano ang sikreto ng kanyang tagumpay at kalakasan, sabi niya, “Laki kasi ako sa gatas.”

 Ito ang dahilan kung bakit kumakampanya rin si Lara sa Laki sa Gatas, ang advocacy ng Bear Brand na nang-eengganyo para masanay uminom ng gatas ang mga Pilipino.

 “I credit my milk drinking habit for my healthy mind and body. Nakakatulong kasi talaga ang proper nutrition para ma-achieve mo ang mga goals mo sa buhay,” dagdag pa ni Lara.

 Ang 25-year-old beauty queen ay panganay na anak ng yumaong si Nelson Quigaman, isang overseas contract worker, at si Princesita San Agustin, isang registered nurse.

 Nagtapos siya ng Media Production and Communications sa Filton College sa United Kingdom ay kumuha ng Childhood and Youth Studies sa Bristol.

 Nagkamit si Lara ng Presidential Order of Lakandula: Champion For Life noong 2006 at nagka-award ng isa sa mga People of the Year 2005. Bukod doon, busy siya sa mga events, TV guestings at modeling stints.

 Ang advice niya sa mga kabataan, “Drink milk. Iba ang laki sa gatas, may tibay ng katawan at isipan at may mararating sa buhay,” sabi ni Lara. 

Show comments