Na-miss ko noong Miyerkules ang press preview ng Magkaibigan. Nangako pa naman ako na panonoorin ko ang pelikula nina Jinggoy Estrada at Christopher De Leon dahil noong isang taon, pinanood ko ang Katas ng Saudi at hindi ako nagsisi dahil maganda ang pelikula.
Eh nabalitaan ko na nagustuhan din ng mga reporters ang Magkaibigan. Ang ibig sabihin, pulido ang pagkakagawa ng pelikula na hindi kataka-taka dahil mahusay na direktor si Joey Reyes at magaling na mga artista sina Jinggoy at Boyet dahil pareho sila na mga award-winning actors.
Kung hindi magkakaroon ng red carpet premiere ang Magkaibigan, panonoorin ko na lang ito sa sinehan. Baka next year ko na panoorin ang Magkaibigan dahil hindi ko pinangarap makipagsiksikan sa opening day ng pelikula sa December 25.
* * *
May pahabol si Marita Vindua ng Dallas, Texas sa listahan ng mga divas ng ating bayang magiliw. Dating taga-UST ang pakilala ni Marita at ang duda ko, nag-aral siya ng music kaya knows niya ang maraming bagay tungkol sa musika.
Take note, si Marita ang nagpaliwanag sa akin na Dedicated Innate Valued Artist ang meaning ng Diva. Additional knowledge ito sa mga tulad ko na walang masyadong alam sa music kaya never ko naisip na mag-manage ng mga singers. Read n’yo ang kaalaman na type ni Marita na i-share sa ating lahat at siyempre, pinakagusto ko ang huling linya ng sulat na ipinadala niya sa akin. Thank you Marita:
“I agree with the names mentioned as to the Divas of yesterdays and today. However, there were names that were missed in the process. With due respect, I strongly think that the following singer performers should be in the list of THE DIVAS DE PILIPINAS: Didith Reyes, Celeste Legaspi, Lea Salonga, Dulce, Atang Dela Rama at Katy Dela Cruz (original Diva). Ano sa palagay mo sa talaan na ito? I think all the above names are deserving and worth mentioning for their undisputed passion and talents music performance, thus the name DIVA — MEANING Dedicated Innate, Valued Artist.
As a postscript, sa lahat halos ng mga movie writers-managers ng industriya ng Pelikulang Pilipino, sa aking palagay, ang impluwensiya mo sa mga manonood at mambabasa ay walang katapat. Nagkakaisa ang mga readers and televiewers, that you have a clout to make or break a subject. So make this one for us. We need your input. More Power to you. Kung mapadpad ka man sa Texas, (dito sa Dallas), let us know para naman harbatan mo kami ng mga goodies which we are more than willing to share. Good luck!
* * *
Hindi na active sa showbiz ang aktres na natsitsismis na nakunan dahil hindi pa siya ready na aminin sa madlang-people na karelasyon niya ang isang pulitiko na pamilyadong tao.
Never inamin o itinanggi ng aktres na may relasyon sila ng mhin at sa showbiz, totoo ang tsismis kung walang diretso o malinaw na sagot ang mga artista.
Huwag na nating asahan na aamin ang aktres dahil kahit papaano, pinoprotektahan niya ang mga anak na walang malay at hindi naniniwala na may relasyon siya sa ibang mhin! Nag-lie low nga yata sa showbiz ang aktres para hindi na pagpistahan ang kanyang personal na buhay ‘huh!