Pinabubulaanan ng ABS-CBN ang mga naglabasang balita na ginulo umano ng TV Patrol World, The Buzz, at E-Live ang burol ni Marky Cielo sa kagustuhang ma-interview ang nanay ng yumaong aktor.
Itinutuwid nila ang balita na nagpaalam ang crew ng ABS-CBN sa nanay ni Marky na si Mrs. Mildred Cadaweng upang kumuha ng kanyang pahayag. Nakitungo sila ng husto at tama at sinuklian naman ito ng tauspusong pasasalamat ng pamilya ni Marky.
Responsibilidad ng anumang media network, hindi lamang ng ABS-CBN, ang ihatid ang balita sa mga manonood, malaki man o maliit, sensitibo man o hindi. Tungkulin ng ABS-CBN na ihayag ang katotohanan at maghatid ng balita at impormasyon sa publiko alinsunod sa code of ethics para sa mga mamamahayag.
Humihingi ng dispensa ang ABS-CBN sa pamilya at kaanak ni Marky para sa mga taong gumagawa ng malaking intriga mula sa isang napakasimpleng sitwasyon.
Nagpapasalamat ang network ng walang hanggan at buong puso sa pamilya at kaanak ni Marky dahil tao silang nakitungo sa ABS-CBN crew. Para sa higanteng network, iyan ang tunay at payak na ibig sabihin ng salitang “kapamilya.”