Of all the eulogies in honor of Marky Cielo, ang pinaka-touching para sa akin was the one delivered by Rommel Gacho, the actor’s manager-mentor. Mushy as it would seem, I couldn’t help but shed buckets, ramdam ko kasi ang pigil ngunit gustong-kumawalang emosyon ni direk Rommel (I address him as “tito”), na ayoko mang i-rub in ay parang nanariwang muli sa alaala niya ang pagkawala ng isang taong napakalapit sa kanyang puso, ang kanyang mahal na ina.
Hindi kaila kay direk Rommel ang mga patuloy na teoryang ikinakabit sa pagkamatay ng kanyang alaga, again, such speculations can be downright unfair.
Kahapon sa kanilang bakuran (bilang tradisyon ng mga katutubong Igorot) inihatid na si Marky sa kanyang huling destinasyon, sana’y isama na rin nating ilibing ang mga ’di magagandang usapin alang-alang na lang sa ikatatahimik ng kanyang kaluluwa.
* * *
Nagmistula namang mga kaluluwa in wild abandon ang nagsipagsaya sa Christmas party ni AiAi delas Alas for her showbiz and non-showbiz friends nitong Sabado. Ginanap ito sa kanyang Ai Sarap bar-resto along Lopez Drive that boasts of a new, refreshing look.
Seventies-eighties ang napiling motif ni AiAi, what with the retro music reminiscent of our generation, but there was more to the thematic ambience. Saglit munang nagpaalam sa akin ang komedyana for a parlor visit, pagbalik ng hitad, animo’y bumulaga from nowhere si Diana Ross!
With a kinky hairpiece as big as a tree, mahihiyang tumabi kay AiAi ang lupon ng mga negritang nagsibabaan mula sa bundok with her face all madeup in black. ’Di pa nakuntento, may nakasalpak pang bulaklak on one side of her hair short of prompting her Metro Manila Film Festival (MMFF) entry: “Tanging Ina N’yong Lahat, magluluka-lukahan ako ngayong gabi, at wala akong pakialam!”
* * *
How generous of an award-winning actor to have given a cash donation at a recent presscon para sa kanyang pelikulang kalahok sa darating na MMFF. On the spot din niyang ibinigay ang datung sa nabunot niyang member of the press.
Seated, however, beside another reporter, nagdayalog ito: “Nabayaran na kaya niya (referring to the actor) ang utang niya sa dalawang reporter?” Curious, tinanong ko kung sino ang mga ’yon at kung magkano ang atraso ng aktor.
Both happen to be close to me. Pero hindi ko na lang babanggitin how much the actor owes them, but it’s quite a sum.
Days later, nagkrus kami ng landas ng isa sa dalawang reporter na ’yon, at first, ayaw na sana niyang pag-usapan pero sa kakukuwento niya, do’n ko napagtanto na hindi ang aktor na ’yon ang totoong generous, kundi ang nakausap kong reporter.
Katwiran ng reporter, “Eto, natutunan ko lang din sa common friend nating artista… na ’pag may umutang sa ’yo, huwag mo nang asahan na mababayaran ka para hindi ka masaktan.”