^

PSN Showbiz

Pacman gagawa muna ng pelikula

-

Plano raw ni Mother Lily na bigyan ng pelikula si Manny Pacquiao habang bakasyon ito sa boxing. Ang gusto pa ng lady producer, pagsamahin sa pelikula ang boxing champ at si Chris Tiu, co-host ni Manny sa Pinoy Records ng GMA-7.

Hindi siguro mahihirapan si Mother Lily na kumbinsihin itong balikan ang paggawa ng pelikula, pero kay Chris siya mahihirapan dahil sa mga interview, sinasabi nitong hindi siya mag-aartista’t ‘di raw niya kaya.

May basketball movie na balak i-co-produced ng Regal at APT Entertain­ment na bagay kay Chris, pero hindi yata tinanggap. Kung mapapa­payag ni Mother Lily na subukan ang pelikula, ibig sabihin, ang lady producer lang ang nakapagpabago sa isip ng binata.

* * *

Ngayong Lunes na ang libing ni Marky Cielo sa garden ng kanilang bahay sa Mt. Province at marami sa mga kasamahan niya sa StarStruck ang makikili­bing. Nag-convoy sa pag-akyat ng Baguio ang mga kaibigan nang pumanaw na actor para sa huling sandali niya rito.

Isa sa nalungkot sa maagang pagkamatay ni Marky ay si direk Mel Chionglo dahil ang young actor ang choice niya na magbida kasama ni direk Joel Lamangan sa pelikulang Bente. Na-depress ang director at ayaw munang simulan ang project bukod sa maghahanap siya nang ipapalit kay Marky.

Ang Bente ay kasama sa Sine Direk, ang THE DGPI-APT Film Series na ang objective ay magbigay ng magandang pelikulang gawa ng topnotch directors, mainstream actors ang cast and independently produced. Ang Directors Guild of the Philippines at ang APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera ang nasa likod nito.

Ang Fuschia  ni direk Joel Lamangan ang nagbukas ng series, isang pelikula about growing old at may kirot sa puso ‘pag inyong napanood. Ang galing ng buong cast na kinabibilangan nina Armida Siguion-Reyna, Eddie Garcia, Robert Arevalo, Gina Alajar, Iza Calzado, Tony Mabesa, Raquel Villavicencio at Ms. Gloria Romero. Ipinakitang with P2 million budget for production at P1million for post-prod and marketing, makakagawa na ng isang magandang pelikula. Mula ito sa panulat ni Ricky Lee at showing second week ng January, 2009.

* * *

Itinanggi ni Jennylyn Mercado na hindi siya tumutulong sa promo ng One Night Only, nasa abroad lang daw siya kaya ‘di nakasama sa ibang cast sa promo nito, pero pagdating niya ay sumabak agad siya sa TV guesting.

Challenge para kay Jennylyn ang role niya sa movie na involved sa isang tibo (Manilyn Reynes) at sa poster, pa-sexy ang dating niya at ‘di nagpahuli sa mga kasama. Pero, may limitation ang pagpapaseksi niya dahil may anak na siya.

Si baby AJ din ang inireason ni Jennylyn kung bakit hindi malamig ang kanyang Pasko. Sapat na raw ang anak para magpasaya sa kanya. “My baby is enough,” wika nito.

Bilib kami kay Jennylyn dahil sa buong interview, hindi niya nabanggit ang name ni Patrick Garcia at puro “siya” ang tukoy niya rito. Wala na raw siyang nararamdaman dito at thankful pa na nali-link ito kay Glaiza de Castro.

* * *

Sa Showbiz Pasko episode ng Moms, pag-uusapan kung paano sini-celebrate ang Pasko ng mga artista. Ang tiyak, mas stressful, mas nakakapagod at mas magastos ang Pasko sa showbiz sa rami nang ginagawa at reregaluhan.

Guests sina Sunshine Dizon, Sheryl Cruz at Angelika dela Cruz sa napapanahong episode ng Moms na napapanood sa Q-11, 5:00 pm., Monday to Friday with Lani Mercado, Sherilyn Reyes and Manilyn Reynes as hosts.        (NITZ MIRALLES)

ANG BENTE

ANG DIRECTORS GUILD OF THE PHILIPPINES

ANG FUSCHIA

JENNYLYN

JOEL LAMANGAN

MOTHER LILY

NIYA

PASKO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with