Rosanna Roces suko na kay Lolit Solis gusto nang makipagbati

Seen : May acting ang bawat kilos at facial expression  ni Rob Sy ng Survivor Philippines. Parang lagi siyang nasa harap ng kamera. Obvious na gusto ni Rob na maging artista.

Scene : Magkaibigan pa rin si Iza Calzado at ang kanyang ex-boyfriend na si Jerry Garcia. Mutual decision ang kanilang break-up. Nahihirapan sila sa long-distance relationship.

Seen :  Hindi na mainit ang pagtanggap ng mga tao kay Patani. Flash in the pan lang ang kanyang kasikatan. Madali siyang pinagsawaan dahil limitado ang kanyang talent.

Scene :  Gusto nang makipagbati ni Rosanna Roces kay Lolit Solis. Nagpapadala na ng feelers ang kanyang kampo kay Lolit.

Seen :  Ang acting ni Jon Avila sa One Night Only. Kulang siya sa emosyon. Hindi pa ganap na aktor si Jon. Nahirapan siya sa dubbing ng kanyang mga linya.

Scene : Naghahanap ang GMA Films ng direktor ng Valentine movie na gagawin nina KC Concepcion at Richard Gutierrez. Nag-resign si Joey Reyes bilang direktor ng proyekto.

SEEN :  Ang tribute ng Startalk kay Marky Cielo noong Sabado. Mainstay si Marky ng Struck Attack segment ng Startalk. Inilaan ang buong oras ng Startalk para sa kanya.

Scene : Kinondena ng Startalk ang invasion of privacy ng TV crew ng ABS CBN. Ipinagwalang-bahala ng TV crew ang paulit-ulit na  pakiusap ng ina ni Marky Cielo na huwag kunan ng video camera at ipakita sa TV  ang labi ng kanyang anak.

Seen : Hindi star material si JC Tiuseco. Si JC ang winner ng Survivor Philippines. Mas promising ang future ni JC kung tatapusin niya ang kanyang pag-aaral o mag-concentrate siya sa paglalaro ng basketball.

Show comments