Iza 'di pinayagang tumuntong sa teritoryo ng ABS-CBN

Marami ang napaiyak kahapon sa opening number ng SOP. Napaluha sila dahil malungkot at umiiyak din ang buong cast ng SOP nang mag-alay sila ng mga kanta para kay Marky Cielo.

Kulay puti ang suot ng SOP cast at ng kanilang mga guest. Iyak sila nang iyak habang kumakanta. Affected na affected sila sa maagang pagkamatay ni Marky. Nahihirapan sila na tanggapin na wala na si Marky at hindi na nila ito makikita forever.

* * *

Lalong nalungkot ang mga nanood kahapon ng SOP nang ipakita ang footage ng Star Awards for TV.

Nag-win ang SOP sa best musical variety show category ng Star Awards for TV. Nalungkot ang televiewers dahil nakita sa footage si Marky. Kasama siya sa mga umakyat sa stage nang tanggapin nila ang trophy na napanalunan ng SOP.

Alive na alive si Marky sa footage na ipinalabas. Walang nag-akala na pagkalipas ng isang linggo, matatagpuan siya na patay sa bahay nila sa Antipolo City.

* * *

Nalimutan ko na ikuwento sa inyo na pumunta ako sa presscon ng Baler, kesehodang sa Maynila ang venue ng tsikahan portion.

Ang Baler ang official entry ng Viva Films sa 2008 Metro Manila Film Festival. Isang period movie ang Baler kaya milyung-milyong piso ang ginastos ng Viva Films. Nagpatayo sila ng replica ng simbahan ng Baler, Aurora sa Tanay at sinira rin ito nang matapos ang shooting. Inupahan din nila ang lupa na pinagtirikan ng set ng Baler. Ganyan kabongga ang Viva Films. Dedma sila sa budget, alang-alang sa ikagaganda ng pelikula na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Anne Curtis.

Parehong loveless sina Jericho at Anne pero wala akong na-feel na nagugustuhan nila ang isa’t isa nang makita ko sila sa presscon ng Baler.

* * *

Type ko ang trailer ng One Night Only ng Octoarts Films. Parang nakakaaliw ang pelikula na pang-adults only ang pamagat pero wholesome ang tema.

Ang One Night Only ang isa sa mga filmfest entry na binabalak ko na panoorin dahil nakarating sa akin ang tsismis na nagustuhan ng screening committee ang Octoarts Films movie.

Hindi ako nang-iintriga pero ang One Night Only ang nagustuhan ng screening committee sa mga pelikula na pinanood nila. Tuwang-tuwa si Boss Orly Ilacad nang malaman nito ang good news dahil ibinuhos niya ang lahat para sa ikagaganda ng One Night Only. Confident si Boss Orly na magugustuhan ng moviegoers ang pelikula ng Octoarts Films na siguradong hindi pang-one night ang showing.

* * *

Hindi pinayagan si Iza Calzado na pumunta kahapon sa ABS CBN para suportahan ang first Sunday ni Karylle sa ASAP.

Best of friends sina Iza at Karylle kaya suportahan taka ang kanilang battlecry. Napurnada lang ang pagpunta ni Iza sa ASAP dahil may exclusive contract star siya ng GMA 7. Naintindihan naman ni Karylle ang kanyang sitwasyon.

Show comments