Marian nasa Davao ngayon

Inihantulad si Marian Rivera sa isang alamat na ibon, ang phoenix, dahil sa mga katangian nitong “fresh, bold, at full of life” ayon sa Phoenix Petroleum kaya siya ang napiling endorser.

Ang Phoenix Petroleum ay isang leading oil player sa Mindanao at susunod na ang Luzon at Visayas at ang kanilang mga katangian naman tulad ng pagiging malakas, walang takot at may magaling na business sense ang naglagay sa kanila sa pedestal bilang pangunahing kumpanya ng langis sa South.

Ngayong araw, masisilayan si Marian sa Davao City sa isang magarang motorcade para pormal na ipakilala ng Phoenix Petroleum. Kinagabihan, ang Phoenix Maiden ay magpe-perform naman para sa engrandeng selebrasyon ng mga dealers ng kumpanya.

Show comments