Aktres ayaw na uling maghirap
Ayaw nang balikan pa ng sikat na aktres ang naranasan nitong paghihirap matapos mawalan ng trabaho. Umabot siya noong sa puntong kahit pantaksi ay inuutang pa sa kaibigang aktres na nakapag-asawa ng mayaman.
Minsan ay naimbitahan ito sa party ng kaibigan at dahil wala itong masakyan ay nag-request na siya ng pambayad ng kanyang pantaksi o kahit pahiramin na lang siya ng pera.
Ngayon ay may negosyo na siya courtesy ng kanyang bagong karelasyon na isang madatung na businessman. Nalaman nito ang kahalagahan ng pagiging masinop sa pera at ayaw na niyang sapitin ang kalagayan na wala siyang hawak na datung.
At least, natauhan na ang magandang aktres.
***
Tinanong namin si Direk Mark Meily kung paano niya hinandle ang romantic scenes nina Jericho Rosales at Anne Curtis sa Baler na isang period movie. Ayon sa direktor, naging maingat siya sa pagkuha sa maiinit na eksena ng dalawa gaya ng paghalik ng aktor sa likod ni Anne na sumabay pa sa bagyo. Hindi naman ito naging malaswa at ayon pa kay Direk Mark ang eksenang yun ang isa sa pinakamahirap. Pakiramdam nito ay gumagawa siya ng komersyal na kailangang idaan pa sa drawing o may sundan na drawing ang bawat eksena. Inabot nang matagal sa syuting dahil binusisi pa ng direktor.
Sa kabilang banda saludo si Phillip Salvador sa aktres sa pagiging propesyonal nito at sa husay gumanap sa Baler kaya malaki ang paniniwala nito na baka siya ang mag-uwi ng Best Actress trophy sa MMFF Awards Night na gagawin sa December 27.
***
Natawa kami sa sinabi ni Michael de Mesa na may mga eksena sa Baler na ang dialogue nila ay Español. Hirap sila sa pagsasalita nito lalo na sa eksenang may sampalan. Nahasa naman siya sa pagsasalita ng Spanish at with accent pa. Papunta ang magaling na aktor sa Los Angeles.
Magkasama ang mag-ama sa pelikulang Baler at ayon kay Michael very proud siya sa anak na si Ryan.
- Latest