Jomari ipo-produce ang U2 at Madonna concert
May title na ang nasulat namin dati na pre-Valentine concert nina Martin Nievera at Pops Fernandez na ipo-produced ni Jomari Yllana. Missing You ang title na gagawin sa February 6, sa Araneta Coliseum to be directed by Rowell Santiago.
Ang Fearless Productions nina Jomari at Rep. Ronald Singson ang nasa likod nito.
Pareho ang talent fee nina Pops at Martin at si Pops din ang line producer ng concert. Wala silang guest kundi ang anak nilang si Robin Nievera na ilo-launch ang singing career sa concert. Si Jomari na ang nagsabing magaling si Robin at ang description niya rito’y “he sounds like John Meyer and looks like Eddie Fernandez (his grandfather).”
Nangako si Jomari ng isang spectacular concert. Sabi nito: “May certain budget na kami at baka ito ang pinakamahal na local concert na mapapanood, three times bigger sa Divas 4 Divas.
“We want to occupy the space na iniwan ng MaxiMedia sa concert scene. I wanna be remembered as the producer who gave the audience the best concert of Pops and Martin.”
Si Pops ang kumumbinse kay Martin na tanggapin ang offer ng Fearless Productions at nag-usap na rin sila ni Martin at Inglesan nga raw sila nang Inglesan. Fan si Jomari nina Pops at Martin and up to now, Concert King pa rin ang tawag niya sa ex-husband ng girlfriend.
Mamahalin ng mga fans ang Fearless Productions kung matuloy ang balak nilang dalhin dito si Madonna at ang U2. Kaya ng budget nila ang talent fee ng dalawa at venue lang ang problema at kailangang gawin sa malaking venue para mas marami ang manood at makabawi sila.
* * *
Inangat ng ABS-CBN ang level ni Shaina Magdayao sa Komiks Presents Mars Ravelo’s Dragonna, hindi na lang siya leading lady, title-roler na siya sa seryeng magpa-pilot sa December 13. May kaba si Shaina, kaya panay ang request sa press na tulungan siyang i-promote ang series.
Hindi lang ang husay sa acting ang ipamamalas ni Shaina rito, pati na ang kaseksihan at ang kanyang 34-26-37 vital stats. Kita ang cleavage at hita niya sa kanyang costume at pinataasan pa raw niya ang neckline ng costume at pinahabaan ang hemline. Nagamit din niya rito ang kaalaman sa wushu.
Sa iba pang isyu, sinagot ni Shaina ang tsikang paghihiwalay ng mga magulang. Wika nito: “Hindi lang kami ang pamilyang gano’n and unfortunately, ’di na namin kasama sa bahay ang mom ko. Anuman ang problema nila ng dad ko, ’di kami kasamang mga anak, pero may communication pa rin kami ng mom ko.”
Inamin din nitong for some months now, exclusively dating sila ni John Prats at sa tanong kung ano ang comment ng actor sa sexy costume niya, sa pilot ng Dragonna na ending ng Tiny Tony ito magko-comment.
- Latest