^

PSN Showbiz

Aiai nag-sorry kay Robin

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Acting as Robin Padilla’s manager, hindi raw nagustuhan ni Dikong Deo Fajardo ang pagi-insinuate ni AiAi delas Alas na may namagitan sa kanila ng action star more than their screen team up. At kung patuloy raw na igigiit ni AiAi ang isyu, ayon kay Dikong, expect a libel case waiting to happen.

Tinext ko si AiAi if she had seen Dikong’s VTR interview on Showbiz Central, gabi na ng Sunday nang mag-reply ang komedyana. Earlier that day pala ay tinawagan na rin siya ni Boy Abunda, her manager, pilit inuusisa ang tungkol sa pahayag ni Dikong.

Unang-una, naganap daw ang interbyuhang ’yon sa presscon ng kanyang MMFF entry, ang Tanging Ina N’yong Lahat, kung saan ang naging paksa ng usapan ay ang mismong vow of celibacy ni AiAi. In Webster’s New World Dictionary, ‘‘celibacy’’ is defined as the state of being unmarried esp. that of a person under a vow not to marry. It is also defined as a complete sexual abstinence.

Hindi ang primary definition ng salitang ’yon ang pinagtripan ng press, but rather AiAi’s last sexual conquest and with whom. ‘‘Secret,’’ pa-girl daw na sagot ng hitad. The next probing question: Action star ba ito? At natawa na lang daw si AiAi.

“Do’n na nag-assume ang press kung sino ’yon. Eh, sinabi ko pa nga, hindi sikat ang action star na ’yon, kaya may nagsabi na baka raw si Baldo Marro. In fairness, wala akong binanggit na pangalan. Malay ba nila kung babae rin ’yon, knowing me na isang bukas na aklat ang personal kong buhay, ’di ba?’’ sey ni AiAi.

Nagtataka lang daw si AiAi kung bakit biglang-biglang lumutang ang pangalan ni Robin, unfair daw ito sa action star dahil hindi naman ito kasali sa kanyang pelikula. To top it all, gone are the playboy days of Robin, responsable na raw itong asawa kay Liezel Sicangco as well as a dutybound father to his daughters.

‘‘Sa totoo lang, nahihiya ako kay Robin although alam ko na hindi niya iisipin na ginagamit ko siya to pro­mote my movie. Pero in fairness, wala akong binabanggit na pangalan niya o kung sinuman. My apologies kung sabi nga ng manager niya eh, affected daw ang mga anak niya. In fairness din sa press, nag-enjoy lang siguro sila sa sagot ko, but I didn’t mean any harm,’’ depensa ni AiAi sa kanyang sarili, sabay hingi ng suportang panoorin ang kanyang MMFF entry under Star Cinema.

vuukle comment

AIAI

BALDO MARRO

BOY ABUNDA

DIKONG

DIKONG DEO FAJARDO

IN WEBSTER

KUNG

LIEZEL SICANGCO

NEW WORLD DICTIONARY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with